HTBC's CHAPTER 7

319 1 0
                                    

Cassandra POV

Mahigit isang buwan ng nakakabawi ako at hanggang ngayon ay hindi padin nagpaparamdam si Jake.

Nakakalabas na rin ako at hinahayaan ko nalang kung anong mangyayari sa akin kahit malaman pa ni Jake na umalis ako ng mansion.

Basta ang alam ko lang masaya ako ngayon dahil may mga nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko na kailangan kong ingatan.

"Good morning Manang." bati ko dito.

"Oh iha, gising ka na pala. Halika at sabay na tayong mag-almusal." alok nito.

Agad kaming pumunta sa hapag kainan para sabay na kumain.

Sanay na ako na si Manang Lucy lagi ang aking kasabay sa tuwing kakain kami umaga, tanghali, hapunan at gabi.

"Kamusta na kaya si Mam Teresa?" biglang lumabas sa mga bibig ko.

"Hindi pa daw siya nagigising. Gusto mo bang bumisita?" seryosong tingin nito.

"Naku, baka kapag bumisita ako Manang, maabutan ako ni Jake. Baka di ko alam ang gagawin ko." pag-dadalawang isip kong sabi sa kanya.

"Minsan kalang nmn bumisita. Aalalayan tayo ni Berto.

" Sige po. Basta samahan mo po ako. Baka kung ano po kasing mangyari." hawak ko sa kamay nito.

" Sige Iha." pisil nito sa mga kamay ko.

Pagkatapos namin kumain ay nag-asikaso na ako ng sarili at hinanda ang sarili para makita ko ulit si Mam Teresa.

Balisa at Kabado padin ako sa tuwing iniisip kung ano ang mangyayari.

Sabi kasi ng psychologist ko na kailangan kong labanan ang emotional trauma ko para maging maayos na ulit ako. Buti nalang healthy ang mga babies ko.

*tok, tok, tok*

"Tapos ka na Iha" ani ni Manang.

"Opo, Palabas na po ako." tugon ko dito.

Nakangiti akong sumalubong sa kanya.

"Yan, mas maganda kapag lagi kang nakangiti." kurot nito sa mga pisngi ko.

"Naku si Manang talaga, binola na naman ako." sabay akbay ko sa balikat nito.

Parang pamilya ko na talaga si Manang.
Bukod sa mabait napakalamabing pa. Kaya love na love ko na ito eh.

"Iha, relax lang ha kapag nadating na tayo sa hospital ng mga Collins." biglang singit ni Manang habang nasa byahe kami.

Tumango naman ako dito samantalang si Mang Berto ay kalmado lang na nagdadrive.

Ito ang kadalasan na kasama ni Jake, buti nalang kahit papaano ay nalalaman ko sa kanya kung ano mga ginagawa ni Jake sa pang-araw-araw.

"Mam Cassandra, Huwag po kayong mag-alala kasi ngayong araw po ay busy si Sir Jake sa Opisina kaya hindi po siya makakadalaw ngayong araw." ani ni Mang Berto.

"Salamat ng marami Mang Berto." ani ko dito.

"Walang anuman po Mam Cassandra" tugon nito.

Nakarating din kami sa Hospital. Nag log-in muna ako para sa visitor pass ni Mam Teresa ganun din si Manang.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ni Mam Teresa ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko.

Inayusan din ako ng nurse dahil kakailanganin namin mag gown para iwas sa mikrobyo na dala namin dahil galing kami sa labas.

Nung nasa tapat na kami ng ICU. Binuksan na ng nurse yung pinto at bumungad sa akin ang namamayat na Mam Teresa.

Tila nanlumo ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na hahantong sa ganto ang sitwasyon ni Mam Teresa. Nanlambot pa ang mga tuhod ko at buti nalang ay nasalo ako ni Manang.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon