Cassandra's POV
3 days na akong hindi makatulog ng maayos matapos ng nangyari sa pagitan namin nila Jake at Cassy.
3 days narin akong kinukulit ni Cassy kung makikita pa niya si Jake.
Sa ngayon kasi ay nagpaalam si Jake kanina na uuwi na ng Pilipinas. Di ko malaman kung nang-aasar ba si Jake o nambubwisit lang.
Hindi ko naman alam kung anong desisyon ang gagawin ko since nag-aaway narin ang dalawa kong anak.
Si Cassy na gustong makita ang Tito Jake niya kahit ang totoo ay daddy niya talaga ito at hindi pa alam ni Jake o si Yuan na nabubwisit sa mukha ni Jake. Haysss ang gulo.
Hindi ko tuloy malaman kung kasalanan ko ba na ilayo ang tatlong bata o kasalanan ng ama nila dahil hinanap pa ako.
"Mommy?" dungaw ni Cassy sabay akyat sa kama ko.
"Yes baby? “ tingin ko dito.
" Can I sleep here? " puppy eyes nito.
Tumango naman ako sa kanya hanggang sa ngumiti ito at niyakap ako.
Napansin ko naman na parang lumungkot ito.
" Why are you sad? “ hagod ko sa ulo nito.
Tumingala naman sa akin ito.
" Kuya Yuan fight me because we're arguing about Tito Jake." sabi habang niyayakap padin ako.
Hanggang sa narinig ko na humihikbi na ito.
" Why are you crying? “ tingin ko na dito.
" He is mad to Tito Jake. Tito Jake is kind." hikbi nitong sabi.
Naawa naman ako kay Cassy dahil pinagtatalunan nila ang kanilang ama.
"Don't be sad, Soon, you will see him again." sabi ko dito.
Ngumiti naman ito. Ngumiti din ako sa kanya at muli akong niyakap nito.
Masaya ako na nakikita ko ang mga anak ko na masaya at ayoko ng nag-aaway sila dahil lang sa isang tao o bagay.
Kahit no choice, para kay Cassy. Iiwan ko muna itong Paris para sa kanya at itutuloy ang pagtatrabaho sa company ni Jake.
Yun nga lang. Magagalit naman si Yuan sa akin. Kaya dapat sabihin ko nadin ito sa kanila.
Napag-usapan na namin ni Jake na nagcoconduct ito ng agency for fashion design and models. Although hindi naman naghihirap ang JC Company ay magdadagdag lang sila ng business and I didn't know kung ano ba ang nasa isip ni Jake kung bakit ako ang kinuha nito.
Sa dami-dami ba naman ng fashion designer sa mundo ako pa ang nakuha nito. Hayss.
Hindi ko talaga malaman kung nang-aasar ba ito o baka gustong alamin kung sino ba talaga ako.
Nakapagsinungaling na ako sa kanya. Kaya kailangan kong pagbayaran ang dapat bayaran pero hindi. Siya naman ang dahilan kung bakit ako nandito.
Kung hindi niya pinili ang babae niya at malaman ko pa na akala ko patay na ang mga anak ko. Hayss. Grabe, Nasira talaga ng bongga ang buhay ko.
Tumingin na ako kay Cassy dahil gumugulo na naman ang isip ko.
Nakita ko itong mahimbing na natutulog. Ang bilis ng panahon.Noon, Kabado pa ako ng sinama ko sila papunta dito sa Paris. Ngayon naman ay malakas na ang loob ko para kalimutan ang lahat.
Kaso hindi naman ganun kadali kalimutan ang lahat kung ang sarili kong asawa ang dahilan kung bakit muntik ng mawala ang mga anak namin.
Haysss, Past is past na nga pero ang sakit at tiwala ay baka hindi ko na maibalik kay Jake.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomansaHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...