HBTC's CHAPTER 51

76 0 0
                                    


Cassandra's POV

Nagising akong kayakap si Jake at masarap pa ang tulog nito. Ang mukha kasi nito ay nakanganga pa. Tumingin naman ako sa paligid ko at maliwanag na.

Humigit ako ng kakapirasong kumot para matakpan ang kabuuan ko at tsaka ko kinuha ang phone ko sa side table para makita kung anong oras na. Mag10 na pala ng umaga.

Naramdaman ko naman na gumalaw si Jake kaya pagtingin ko dito ay nakatingin na ito sa akin. Namumungay pa ang mata.

Hinila naman ako nito para yakapin ulit.

"Good Morning wifey." ngiti nito sabay halik nito sa noo ko.

"Good Morning din." sabi ko dito.

"Tara, ligo na tayo." sabi nito.

"Seryoso ka ba?" tingin ko dito.

"Oo, seryoso nga, sabay na tayo. " bangon nito.

"Wehhh, Aano ka lang eh." pang-asar ko dito.

Bigla naman itong bumulong sa akin.

'Ganun na din yun.' bulong nito. "Kaya tara na." dagdag nito sabay buhat sa akin na parang bridal.

Samantalang siya wala man lang tapis na nakatakip habang naglalakad siya na buhat-buhat ako.

Pagkababang-baba niya sa akin sa banyo ay siniil na nito ako ng halik. Grabe kahit bagong gising ay napakatamis ng halik niya.

"Hmm." pareho naming ungol at pinaglaruan na nga ni Jake ang dapat laruin sa katawan ko.

Nang makatapos kami ay naligo na nga kami pareho. Hindi parin nawala sa mga mata ko ang mapang-akit niyang mata kaya pati sa pagligo namin ay nag-aanuhan kami.

Parang hindi man lang napagod kagabi at nagpahabol pa talaga ngayon.

Nasa isang fastfood chain na kami at parehong nag-aalmusal palang. Pancake lang pina-order ko dito at isang brewed coffee.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang may tumawag sa kanya.

"Sagutin ko lang ito." paalam niya.

"Sige, baka importante yan." sabi ko dito

Pagkasabi ko nun ay lumabas na ito sa kinakainan namin. Nakikita ko naman sa itsura niya ang pagkaseryoso nito sa kausap. May panaka-naka itong tumitingin sa akin. Ningigitian ko lang siya at ganun din siya sa akin.

Maya-maya pa ay nasa tapat ko na ito.

"Are you done?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Tara na. Uwi na tayo. Absent ka tuloy ngayon." sabi nito.

"Kaya nga eh." malungkot kong sabi habang nililigpit ang pinagkainan naming dalawa.

"It's okay, makakabawi ka naman bukas." sabi nito habang tumutulong sa pagligpit.

Nang mailigpit na namin ay umalis na rin kami.

Tahimik lang kami buong byahe ng biglang magsalita siya.

"Ahhm, wifey?" tanong nito sa akin.

"Hmm?" tingin ko naman sa kanya.

"Ahh, baka mamaya ay uuwi muna ako ng Pilipinas. May aasikasuhin lang ako. Then by next week, babalik ako dito para iuwi ka na ng Pilipinas." paliwanag nito habang nagdadrive.

"Ahh, ganun ba?" wala sa sarili kong sabi.

"Oo, may problema ba?" tanong nito.

"Wala, wala naman." iling ko dito.

Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon