Disclaimer: Masaktan na kayo at alam kong makakarelate na yung iba. ✌️✌️
A/n: Pasensya na at natagalan tayong magpost. Pero ihanda niyo na po ang mga sarili niyo sa mga susunod na episode dahil makakaramdam na kayo ng,,,,,,,,,,,,
Sige next episode na lang para may thrill.
_________________________________________
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Naalimpungatan ako sa narinig ko kaya agad akong bumangon para makita ang nasa labas at baka may magnanakaw na nakapasok sa loob ng bahay kaso bago ko pa man mahawakan ang door knob ay may biglang babaeng nagsalita sa labas.
Hanggang sa marinig ko din ang boses ng aking asawa.
Tila ba'y natutuwa pa sila sa kanilang ginagawa hanggang sa may nabasag na naman.
Gusto ko man buksan ang pinto pero parang ayaw kumilos ng mga kamay ko dahil sa naririnig ko.
Hindi lang ingay ang kanilang ginagawa kundi kababuyan.
Parang nanikip bigla ang dibdib ko sa tuwing humahagikgik ang walang hiyang babae. Tila mawawalan ako ng balanse at ulirat sa tuwing iniisip kong nagloloko ang asawa ko.
Gusto kong lumabas at kumprontahin sila sa ginagawa nila pero tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na palang kusa ang mga luha ko sa tuwing naririnig ko ang halinghingan nila.
Muli kong nilagay ang lapat ng tainga ko sa pintuan at narinig ko na naman.
"Babe, ano ba, hihihi. Hmmm, ugh babe, dun tayo sa kwarto mo!" sabi ng babae.
"Shh, will start here, this is my house and don't care to them babe." sabay tunog ng halik.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita ko silang nagses*x sa sala at tuluyan na nga akong nawalan ng balanse at sa kabutihang palad ay nakahawak agad ako sa cabinet na malapit sa pinto. Hindi ko kayang tignan na ang asawa ko habang may kinakalantaring iba. Ang masama ay sa mismong pamamahay pa namin.
Ang bigat sa dibdib kaya agad kong sinara ang pinto at nilock para hindi sila makapunta sa kwarto ko.
Hawak-hawak ko ang aking bibig wag lang makatakas ang hikbing kanina ko pa dinadamdam.
Lumuluha akong bumalik sa higaan ko at tinatanong sa sarili ko kung ano bang mali ang nagawa ko. Paulit-ulit dahil lalo na akong naghihirap sa bahay na ito.
Kailan ba ako makakalaya dahil kapag tumagal ito. Baka hindi ko na maramdaman na mahal ko siya.
Napahawak na ako sa tyan ko dahil gumagalaw sila at alam kong ramdam nila ang pighati ko sa kanilang ama. Sa tuwing gumagalaw sila ay mas lalo ko naman tinatatagan at minamahal ang sarili ko. Ito na ata ang simula para mahalin ko naman ang sarili ko at hindi na magpakatanga pa sa asawa ko.
Kailangan kong mabuhay para sa kanila. Makalaya lang ako dito. Ilalayo ko ang mga anak ko.
Hinding-hindi na ako babalik sa bahay na ito. Kahit kailan. Tila isang kalbaryo ang nangyari simula ng masaktan ko si mama.
Magdamag akong lumuluha dahil sa kagagawan ng walang-hiya kong asawa. Hindi nila ako pinatulog sa sobra nilang kaingayan dahil alam ko naman kung bakit ako ginaganto ni Jake pero parang sobra naman na yata ata.
Sa sobrang pag-iisip ko ay nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan.
Maaga akong nagising pero parang ayokong bumangon. Napakabiggat ng dibdib ko sa nangyari kaninang madaling araw idagdag mo pa na parang lalagnatin na naman ako.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomantikHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...