Naalimpungatan ako sa maingay na katok ni Jake sa kwarto ko.
'Bakit kaya?'
Chineck ko kaagad yung phone ko kung anong oras na. Pagtingin ko. Almost 12:22 pm na. Hala kaya pala katok ng katok si Jake.
"CASSANDRA WAKE UP, IT'S ALREADY F*CKING NOON. CASSANDRA" tila mabibiyak na kalabog na katok nito.
"Teka, Asan ba si Manang?" agad kong bungad dito
"She's in vacation today, kaya wag mo nang hanapin si Manang. Tanghali na, Prepare my breakfast now. Aalis ako."
"Okay." yun nalang ang tangin nasagot ko dagil iniisip ko kung bakit di nagpaalam sa akin si Manang na magbabakasyon ito.
Parang biglaan naman.
Pumunta na ako ng kusina para ipagluto ito ng bacon at egg. Sinamahan ko nadin ng coffee kahit tanghali na pero syempre dinagdag ko na ang juice para kung sakali ay hindi ito magreklamo.
Nang matapos na akong magluto ay tinawag ko na rin ito para kumain.
Agad rin naman itong bumaba at kumain ng hindi man lang ako inaalok kumain.
"Wag mo na akong hintayin mamaya. Hindi rin ako uuwi." sabi nito ng matapos ng kumain.
"Okay" yun lang ang sagot ko.
Ilang saglit pa ay umalis narin si Jake. As usual, di na nagpaalam, narinig ko nalang yung sasakyan nito.
Kasalukuyan na akong nag-aayos ng gamit sa may sala ng maisipan kong magluto ng adobo. Parang gusto kong kumain nun.
Habang nagluluto ako ng adobo ng biglang tumawag si Angel.
"Bes, Ano ginagawa mo today?" bungad nito sa tawag.
"Nagluluto ng pagkain kasi nagugutom ako. Di naman ako makaalis kasi wala akong kasama dito ngayon."
"Hala, bakit wala. Buntis ka pa naman baka kung anong mangyari sa iyo dyan"
"Eh, nagbakasyon naman si Manang kaya pinayagan ko nalang"
"Dapat nagpasama ka padin."pag-aalala nito.
" Kaya ko naman ano ka ba!" pagsisisnungaling ko.
"Sige ganto nalang Bes, punta kami ni Mark dyan. Since matagal-tagal na rin kaming hindi nakakadalaw dyan eh. Please."
"Sige, tutal hindi naman uuwi si Jake. Dala na lang kayo ng pasalubong ha."
"Oo. Alam ko naman paborito mo. Fries at sundae lang naman. Hahahaha."
"Hahaha alam na alam mo talaga favorite ko."
"Oo naman. Kaibigan mo ata ito."
"Oo na. Sige para pambawi dito narin kayo kumain ng dinner since marami-rami ang nailuto kong adobo."
"Aba, gusto ko yan. Matagal-tagal narin akong hindi nakatikim ng luto mo. Yang asawa mo kasi eh. Napakamoody. Hmp" pagtataray nito sa linya.
"Hahaa, yaan mo na. Sige na. Baka masunog pa itong niluluto ko."
"Ayy, Oo nga pala. Hahaha Sige sige. Ingat ka diyan. Babush. Mwahh"
"Haha Babye. Ingat kayo."
Hinintay ko lang kumulo yung adobo tsaka ako naligo para maayos na habang hinihintay kong salubungin sila Angel mamaya hanggang sa tumunog na ulit ang cp ko.
******Angel ganda calling*******
"Bes, malapit na kami."
"Sige, sige. Hintayin ko na kayo sa labas."
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomanceHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...