Cassandra's POV
Isang linggo na ang nakalipas ng magising si Jake. Kasalukuyang kinukulit ako nito dahil gusto daw niyang bumawi sa akin.
"Hon, mamaya mo na ako kulitin. May ginagawa ako." inis na sabi ko sa kanya.
"Please Hon, punta tayo sa mall. Pasama tayo kay Mang Berto. Bibili lang ako ng feeding bottle para kay baby." kulit nito sa akin.
"Hon naman, malayo pa. 6 months palang ito. Kapag 8 months na tayo bumili." tingin ko dito.
"Wag na. Ngayon na lang tayo bumili. Hon naman, dali na!" kuha nito sa mga papel na hawak ko.
"Alam mo Hon, gusto kong mainis pero sige bibili tayo. Sa isang condition." tingin ko dito.
"What is that?" excited na tanong nito.
Aba, nagtanong ka pa ah. Natawa naman ako sa inisip ko.
"Hon, bakit natatawa ka?" tila nacurious na sabi nito.
"Wala naman. Hahaha, basta gawin mo condition ko tutal inagaw mo naman ang mga papel na hawak ko. Lagot ka sa akin." banta ko sa kanya.
"Teka, sa iyo na lang ulit ito. Maybe, We can just buy baby's stuff when he is 8 months old in your belly. I know that smile kasi eh." sabi nito habang binabalik sa akin ang papel.
"No, Jake. Diba gusto mo ngayon. Tutal, free naman na ako. Tara na." Hila ko dito.
"No, Hon. Ayaw ko na." maktol nito.
"Ha? Wala pa nga, ayaw mo na agad. Panget mo naman kabonding. Tss." talikod ko sa kanya.
Niyakap naman niya ako.
"Ano ba kasi condition mo. Mukha kasing nakakatakot yan eh." lambing nito sa akin.
"Hindi ka matatakot dito." ngiti kong harap sa kanya.
"Eh, Ano muna iyon?" pamimilit nito sa akin.
"Bibili lang tayong tela tapos ipapadala ko sa Paris. Ikaw, kung ano-ano kasi iniisip mo. Hahaha." tawa ko dito pero lagot talaga sa akin ito mamaya.
"Hayyys, akala ko kung ano na. Sige bili na tayo." hawak niya sa kamay ko.
"Sige." pag-sang-ayon ko dito.
Pareho lang kaming nakaupo sa back seat. Panay naman ang hawak ni Jake sa tyan ko kaya hinahayaan ko na lang ito.
Nang makarating kami ay namili na kami ng gamit ni baby pero hindi pa naman namin alam ang gender nito. Kaya pinili namin ay puro plain white na damit ang gamit nito at gray naman sa mga feeding bottle.
Enjoy na enjoy naman si Jake sa pagbili ng mga gamit. Napapailing nalang tuloy si Mang Berto kay Jake. Kung ano-ano pa ang tinuturo nito. Tila bibilhin na iyong store kaya pare-pareho nalang kaming natatawa ng mga staff sa ginagawa ni Jake.
Nakakatuwa lang sa feeling na ganito pala si Jake umasta kapag buntis ako. Ito yung mga bagay na hindi naranasan ng tatlong bata sa kanilang Daddy.
"Jake, kumalma ka lang. Pwede naman tayong bumalik sa ibang araw kapag may design na." Pagpapatigil ko sa kanya.
"Eh, kasi naman, bakit wala silang ganung stock. Dapat meron sila." reklamo nito.
"Kaya nga, easy lang. Mapapaanak ako sa iyo ng wala sa oras eh." sabi ko dito. Napatingin naman ito sa akin.
"Sige, We can back tomorrow. Maybe?" sabi nito.
"Good, Sige Bayaran mo na." ngiti ko sa kanya.
Tumango lang ito. Hinintay naman namin siya sa labas ng store. Nang matapos siyang magbayad ay pumunta na kami sa bilihan ng tela.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire Child's (COMPLETED)
RomansaHiding The Billionaire Child's By: Ayemgereysiyus Hanggang saan aabot ang pagtatago ni Cassy kung laging nagkikita ang landas nilang dalawa ni Jake Collin. Paano kaya niya masasabi rito na meron itong anak gayong hiwalay naman na sila. Paano nalang...