Chapter 7
Sinunod ko yung mga sinabi sa 'kin ni Stell kahapon. Gumising ako ng 10 at uminom ng gamot dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. After four hours, I woke up again, and my fever felt stronger than earlier. Mas sumama pa ang pakiramdam ko at nanlalambot na rin ako. Uminom ulit ako ng gamot at naglagay na rin ng fever patch.
Kinaumagahan, alas otso ako nagising dahil sa alarm ko at dahil na rin sa pawis. Medyo maayos naman na yung pakiramdam ko, siguro ginisawan ako dahil sa pawis. Though I still don't feel that well.
Uminom ulit ako ng gamot at inalis na ang fever patch dahil wala na iyong dikit. I unconsciously put my palm on my legs only to feel a sting of pain and itch. I hissed because of that. Mukang nagsugat na ang binti ko sa kakakamot ko.
Nagpalit muna ako ng short dahil medyo naiinitan ako. Laking gulat ko nang makita ang namumulang mga butlig sa gilid ng hita na kahapon ko pa kinakamot. They are so itchy and it stings. Hindi ko makamot dahil mahapdi, ano ba 'to?
Dahil medyo nahihilo pa ako ay hinayaan ko na lang muna iyon. Pagkatapos kong mag hilamos ay bumalik din ako sa kama at nahiga, nakakatamad gumalaw. I also feel uncomfortable with these unknown rashes. Nagugutom na 'ko, pwede pa kaya yung niluto kagabi ni Stell?
I was about to fall asleep again when my phone received a message. Tumagilid ako ng higa at yumakap sa unan bago ko iyon tiningnan.
Tony
Uy may lagnat ka pala bakit hindi ka nagsasabi?I gasped and put my palm on my mouth in shock. Oo nga pala, nakalimutan kong Lunes nga pala ngayon at may trabaho ako.
Me
Hala lunes nga pala ngayon😅Tony
Ayos lang ako nang bahala makipag usap kay sirBakit di ka nagsabi kagabi? Kung hindi pa ko sinabihan ni Stell hindi ko pa malalaman na may sakit ka pala
Kumurap ako ng ilang beses. Sinabi ni Stell sa kaniya?
Tony
Kamusta na pakiramdam mo? May lagnat ka pa rin ba?Me
Oo meron pa medyo nahihilo pa nga ako ehTsaka ang kati ng binti ko hindi ko alam kung saan nanggaling to
You sent a photo.
Nag react siya ng wow sa picture ng pantal sa binti ko.
Tony
Baka naman na-allergy ka?Me
Wala naman akong allergy ehTony
Eh nung nag camping kayo? Baka nahigad ka or somethingPa check-up ka kaya
Samahan kita mamaya pag maaga akong nakauwi?
Me
Sigeeee sobrang kati na rin kasi tsaka mahapdi talaga😖Thank youuu ingat sa trabaho
Tony
Sige pagaling ka. Kain ka rin tsaka inom ng gamot sa tamang orasPumikit na lang ulit ako matapos ang maikli naming pag uusap. Buti na lang talaga at maaasahan si Tony.
Gusto ko sanang matulog pero grabe na talaga yung gutom ko. Kaya kahit na medyo nahihilo pa ako ay tumayo na lang ako at naghanap ng pwedeng kainin.
Inamoy ko muna yung niluto ni Stell kagabi, mukang hindi na 'to pwede. Wala na akong choice kundi may instant noodles na lang. Pinili ko yung spicy beef para mas mainitan yung katawan ko dahil medyo nilalamig na naman ako. Buti na lang at pwede pa yung kanin.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.