CHAPTER 35

653 19 21
                                    

Chapter 35

I cried alone inside my car. Kung ano ang kinatahimik sa labas ay siya namang ingay sa loob ng kotse ko dahil sa hindi ko na mapigilang humagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman.

He really got tired, didn't he? Mom was right, wala ngang makakatagal sa 'kin. She gave me a sign to do better and to treat Stell better, pero masyado akong naging kampante.

Wala na rin siya, wala nang taong iintindi sa 'kin. Wala na ang taong nagmahal at tumanggap sa 'kin kahit na ganito ako. Just like ate, he's gone too.

I noticed the thin box wrapped with a gift wrapper inside my bag. I took it out and stared at it. Mas lalo lang akong humagulgol habang nakatingin dito. Sunod-sunod na luha ng pighati ang tumulo sa kahon. Itinapat ko iyon sa dibdib ko at niyakap. My supposed to be pregnancy surprise to Stell, will I still be able to give this to him?

I always carry this with me wherever I go. Para kung sakaling makahanap ako ng tiyempo ay magawa ko itong ibigay kay Stell. Pero wala, hindi ko man lang nagawang sabihin sa kaniya.

I spent a couple of minutes on the side of the road, crying and trying to pull myself together. Tsaka ko lang nagawang mag maneho nang hindi na masyadong nanginginig ang mga kamay ko at hindi na nanlalabo ang paningin ko.

I went straight to my own condo this time. After what happened earlier, wala na akong lakas ng loob na magpakita ulit kay Stell pagkatapos ng nangyari.

I cried and cried alone once I finally got inside. I can't control my emotions, kusa na lang bumubuhos ang luha ko. Kahit na punasan ko ng paulit-ulit ang pisngi ko ay nababasa pa rin iyon ng tuloy-tuloy na umaagos kong luha.

I just let everything out until I got tired and eventually slept with swollen eyes.

The next day was hard for me. I still feel pain emotionally, yet I have to deal with morning sickness and dizziness. Nanghihina ang katawan ko, nanginginig ako matapos kong sumuka, nanlalambot na rin dahil sa gutom.

I still feel weak but I managed to prepare a meal that I always crave these days, tuna sandwich. I also prepared milk to drink for the nutrients of my baby. Wala na akong stock ng pagkain dito kaya kailangan kong mag grocery.

It's hard. Parang gusto ko na lang umiyak bigla. But I have to deal with it alone. Kahit na wala akong gana ay pinipilit ko ang sarili kong kumain, ayaw ko namang magutom ang baby ko.

"Izzy! Izzy Maureen! Open this door!"

Sunod-sunod na malakas na kalampag at sigaw ang narinig ko mula sa pinto habang naghuhugas ng mga ginamit ko kanina. It was mom. And based on her voice, she's not happy at all.

I sighed and contemplated if I should open the door for her. But since I don't want to cause disturbance to my neighbors, I opened the door eventually.

"Ikaw!" Duro niya sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata niyang pumasok at nilapitan ako. "Walanghiya ka talaga 'no? Tanga ka na nga, bingi, ngayon hindi naman marunong magbilang?!" Galit na galit niyang sigaw.

I just stared at her and accepted everything she said. Ubos na ang natitira kong emosyon para masaktan pa sa mga sasabihin niya.

"I asked for fifty thousand! Ano 'to?" Pinakita niya sa 'kin at dinuro pa sa mukha ko ang litrato ng halaga perang pinadala ko sa kaniya. "Thirty thousand? Hindi ka ba marunong magbilang?! Do you think this is enough?!" Her phone almost touched my face.

I remained quiet and emotionless as she gave me a sharp stare. Kung nakamamatay lang ang mga tingin, malamang ay hindi na ako humihinga.

"I need fifty thousand! I don't need your thirty thousand shit! Singkwenta mil ang hinihingi ko, tapos bibigyan mo 'ko ng trenta? Hindi ka ba naman tanga!" Nangagalaiti niyang sigaw.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon