Chapter 12
Q7. What is the place you want to visit the most? Mine is Switzerland.
Ingat sa trabaho today! Enjoy your lunch, gorgeous! Specially made with love just for you.
- S
...
Q20. What's your favorite snack? Medyo nahihilig ako ngayon sa Lay's na sour cream flavor.
Did you know that you can't smile while your tongue is on the roof of your mouth?
Naks, ganda talaga lalo na pag naka smile. ;)
Enjoy your meal, Ms. Gorgeous!
- S
...
Q50. Free ka ba today? Naaalala mo yung promise ko sa'yo nung nagkasakit ka after natin mag camping? Do you have time so I could fulfill it?
Hope you like the flowers, gorgeous.
- S
Sa bawat bagay na binibigay at ipinapadala sa akin ni Stell ay ang note niya ang pinaka inaabangan ko. I keep his notes in a small box. Lahat ng note niya ay may number. It's question number 50 today, ang ibig sabihin no'n ay 50 days na siyang nanliligaw sa 'kin.
Araw-araw walang palya. Flowers, chocolates, ulam na luto niya, at kung ano-ano pa. Madalas ay siya mismo ang nagdadala sa 'kin dito sa condo, minsan naman ay nag iiwan siya ng tanghalian na siya mismo ang nagluto doon kay kuya guard sa building namin, minsan naman ay ipinapadala na lang niya sa rider, siguro tuwing busy siya.
Sa totoo lang, pinaka inaabangan ko ang notes niya parati. Okay nga lang din kahit na notes lang ang ipadala niya eh. Pero syempre, kinikilig din ako sa mga bulaklak, niluto niyang pagkain, at kung ano-ano pang mga bagay na ipinapadala o ibinibigay niya sa 'kin.
The flowers? I also keep them. Pag natuyo na ang mga iyon ay nilalagay ko sa isang clear glass jar ang mga petals no'n, nagsisilbi na iyong display sa unit ko ngayon. Kinikilig na lang ako tuwing nakikita ko 'yon.
I replied my answer to his note today. I'm free today, it's Sunday, walang pasok sa trabaho at wala rin naman akong ginagawa. Oo nga pala, pinadala na lang niya ang bouquet ng bulaklak sa isang delivery rider kung saan nakalagay yung note.
Stell
Great! Thank you!Matapos kong basahin ang reply niya ay tumunog agad ang doorbell. Nanlalaki ang mga mata kong lumingon doon. Nandito na siya? Agad?
Nagmamadali kong pinatungan ng T-shirt ang spaghetti strap kong damit at mabilisang inayos ang buhok. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. And I was right, it's Stell.
"Good morning," bati niya.
I smiled. "Good morning, pasok ka."
"Salamat,"
May dala siyang eco bag na ipinababa ko sa ibabaw ng mesa.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Mga ingredients," he opened the bag and took out random spices, meat, and everything else that I can't name but I'm familiar with. Hindi naman kasi ako pamilyar sa mga terms sa kusina.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.