Chapter 3
"Aguy, aguy," iyon agad ang kusang lumabas sa bibig ko kasabay ng paggalaw ng kamay ko para hawakan ang kamay niya.
Napatayo pa ako para kunin ang panyo na hindi ko pa nagagamit mula sa bulsa ng pantalon ko sa likuran. Tinakpan ko agad ang sugat niya sa hinlalaki gamit ang panyo ko.
"Hala, Stell, yung panyo mo." Napatayo na rin siya.
Umiling ako. "Ayos lang, alalahanin mo yung sugat mo." Tumingin ako sa paligid para hanapin yung first aid. "Sandali, hahanapin ko lang yung first aid. Takpan mo lang ng panyo yung sugat para tumigil na yung pagdudugo." Bilin ko.
Napansin ko ang pagtayo ni Tony mula sa kabilang sulok. Bago ako makarating sa banyo ay nilapitan na niya si Izzy. Mabilis kong nahanap ang maliit na first aid tsaka ako bumalik agad.
"Upo ka."
Nauna siyang maupo at sumunod ako. Hinintay ko munang tumigil ang pagdudugo ng sugat niya. Kutis mayaman pa naman siya tapos nasugatan pa siya.
Nang tumigil na sa pagdudugo ang sugat ay nilinisan ko na muna ang natuyong dugo sa daliri niya. Pansin ko ang panlalamig ng kamay niya. Hindi rin mapakali ang isa niyang kamay dahil kanina pa niya kinukuskos ang palad niya sa tuhod niya.
"Sobrang sakit ba?" Tanong ko.
Nahihiya siyang tumango. "M-Medyo mahina kasi yung pain tolerance ko." Sagot niya.
Medyo kinabahan tuloy ako, baka nasasaktan ko na pala siya nang sobra. "Sige, bibilisan ko na lang."
Tumayo si Tony sa likuran niya at sinubukan siyang pakalmahin sa pamamagitan ng pagtapik sa braso niya. Kahit na nakayuko siya ay pansin ko pa rin na nakapikit siya. Maingat lang ang galaw ko para lang hindi siya masaktan nang sobra, hinihipan ko rin ang sugat niya sa pagbabakasakaling mabawasan no'n ang sakit.
She hissed a bit that made me look at her painful reaction.
"Sorry, sorry," pati ako naaaligaga na rin.
"A-Ayos lang." Sagot naman niya.
"Malapit nang matapos. Sorry kung masakit ah. Sagutin mo na lang yung tanong ko. 100+345?" Sinubukan ko siyang libangin gamit ang salita para naman mawala ang focus niya sa sugat niya kahit papaano.
Natawa nang mahina si Tony pero hindi ko inaasahang sumagot si Izzy.
"445," sagot niya sa nanginginig na boses, parang naiiyak na.
Tinuloy ko na lang ang pagtatanong. "What is the center of the colar system?"
"S-Sun,"
"Ano ang pinaka malaking star na nakikita tuwing umaga?"
Napatingin siya sa 'kin. "...a-araw?"
Ngumiti ako. "Very good! 1+1?"
Kinunotan niya 'ko ng noo. "Two?"
"Mali," I disagree. "The correct answer is... Magellan." Banggit ko sa tamang sagot.
Napansin kong nagpipigil ng tawa si Tony habang si Izzy ay nagtataka.
"Eh ano naman yung 2+2?" Tanong ko ulit.
Nagdalawang isip pa siya bago sumagot. "Lapu-lapu?"
Umiling ako. "Lapu-lapu is… wrong. The correct answer is?" Tanong ko habang nakatingin kay Tony.
"Two," sabay naming sabi.
Natawa kami pareho dahil sa reaksyon ni Izzy. Naguguluhan siya at nagtataka. Mabuti naman at mukang gumana ang distraction ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.