Chapter 33
Stell's POV
Alam kong nakatanggap na ako ng kaunting overview kung bakit na-late si Zy sa concert pero hindi ko maiwasang magtampo. Umasa ako eh. Umasa ako na this time, wala na akong kahati sa oras niya, na magiging bonding yung concert para sa kaniya at sa pamilya ko. I can't help but to feel a bit disappointed. Siguro may mga ibang bagay talaga na mas importante sa kaniya.
Sinakay ko na sina mama at papa pati si Ivan dito sa kotse ko, si Zy naman ay gamit ang sarili niyang kotse, sa kaniya sumama si Anjing. Kanya-kanyang service din naman yung iba pero iisa lang ang destination namin.
Pagkarating namin sa resto na napag usapan ay sumunod agad si Zy na bumubuntot sa akin dahil hindi naman niya alam kung saan pupunta.
Pagkababa namin sa kotse ay may iba nang nauna dito sa resto, sila Ken at yung ibang staff. Sabay-sabay kami nina mama na pumasok sa resto. Pinauna ko na silang pumasok, naiwan naman si Zy at nagkatinginan pa kami na agad din naming inalis.
...
Izzy's POV
Hindi kami magkatabi ni Stell sa upuan. Nasa harapan ko siya, katabi ko si Anjing sa kanan at si Xi sa kabila. Iisang mesa lang kami kasama ang pamilya ng lima pero magkakatabi pa rin ang pamilya ng isa't isa.
Hindi kami nagpapansinan o nagtitinginan man lang dahil bukod sa mukhang nagtatampo siya sa 'kin ay may ibang tao rin sa paligid. We're just being cautious as usual.
Puro putaheng Pilipino ang nakahanda sa mesa ngayon. I chose the pork sinigang since it's been a while since I had this. Masaya naman ang naging daloy ng dinner lalo na at masaya ring nagkukwentuhan ang lahat.
I was taking some short glances at Stell who's unusually quiet. Nakikisali siya sa usapan at tawanan pero hindi gaya ng usual na Stell na kilala naming lahat. Nagiguilty tuloy ako dahil mukhang isa ako sa dahilan kung bakit siya matamlay.
I tried the sisig afterwards 'cause it looked mouthwatering. It was nice, flavorful and crunchy. I was enjoying it until a sudden burst of hot and spicy flavor coated my mouth.
Sumubo agad ako ng kanin tsaka iyon mabilis na nilunok. Uminom din ako ng tubig sa pag asang maiibsan no'n ang anghang ngunit hindi iyon nakatulong dahil nasamid naman ako bigla. I'm not a fan of spicy foods!
Nahihiya kong tinakpan ang bjbig ko habang umuubo. Nakayuko ako dahil sa hiya, ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin. Tinatapik naman ni Xi ang likod ko para tulungan ako.
"S-Sorry po," I coughed and coughed. "E-Excuse m-me."
Nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa banyo dahil sa hiya. Hindi ko naman alam na may sili pala yung nakuha ko eh! Nakakahiya tuloy, pinagtinginan pa nila akong lahat. What a stupid move, Izzy Maureen.
...
Stell's POV
Sinundan naming lahat ng tingin si Izzy nang nagmamadali siyang umalis sa mesa habang umuubo pa rin. Nakuha ng atensyon ko ang ice cream na inorder ko. Kinuha ko iyon at nag paalam na susundan lang si Zy. Alam naman nilang lahat ang relasyon namin kaya walang problema.
Dala ang isang cup ng ice cream, sinundan ko si Zy sa banyo kung saan umuubo pa rin siya. Tinapik ko agad ang likod niya para tulungang humupa ang pagkasamid niya. Kinakabahan ako dahil baka mahirapan siyang huminga.
Mabilis niya akong nilingon at nagtatakang tiningnan. Nakahinga siya ng maayos nang makita ako.
"Ice cream," alok ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.