CHAPTER 44

662 21 138
                                    

Chapter 44

"And then we bought a lot of food! Oh! I want cotton candy again! And the crepe cake! Everything is yummy!"

Patuloy lang sa pag kwento si Nowy habang si Zy naman ay nakikinig lang. Nakangiti lang siya, tumatango, at sumasagot kay Nowy sa buong biyahe, pero kita at ramdam ko pa rin na kinakabahan at hindi siya komportable.

Pagdating namin sa pinakamalapit na amusement park na alam ko ay nakasilip na agad si Nowy sa bintana para tingnan ang paligid, ganun din si Zy habang bahagyang nakangiti. Naaalala ko bigla yung time na nag amusement park din kami kasama sina Jah, noong time na maayos pa ang lahat at masaya pa kami.

Nang mai-park ko na ang kotse ay mas lumala ang kaba ni Zy. Mukhang nag aalala na rin siya habang nakatingin sa maraming tao sa labas.

"Are you sure this isn't a bad idea?" Kinakabahan niyang tanong. "Sobrang daming tao sa paligid." Nilingon niya ako. "Kung kayo na lang kaya ni Nowy ang tumuloy? Maiiwan na lang ako."

Agad na humawak si Nowy sa braso ni Zy.

"No, ayaw ko pong iwan ka." Umiiling niyang saad. "Sama ka po, please? Please?" Ngumuso pa siya at nag pa-cute.

"Ayos lang naman na makita tayo ng mga tao na magkakasama." I assured her.

"Pero paano yung image mo?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi naman maaapektuhan no'n yung career ko eh. Lagpas na nga sa kalendaryo yung edad ko oh. Kung yung apat nga publicized na yung relasyon sa mga partner at anak, bakit naman magiging bawal sa 'kin?"

Huminga siya ng malalim. "Natatakot lang ako na baka may mangyaring hindi maganda." Mahina niyang saad.

Bahagya akong ngumiti at inabot ang kamay niya tsaka ko iyon pinisil.

"Wala kang dapat ipag alala." Paniniguro ko.

Tiningnan niya lang ako at nag pilit siya ng ngiti.

Sabay kaming napalingon kay Nowy nang bigla na lang siyang humagikgik. Malawak ang ngiti niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zy.

"Papa, you have a crush on tita Ice 'no?" She asked me in a suspicious tone.

Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya. "Ikaw ha, saan mo naman natutunan 'yang crush crush na 'yan? Baby ka pa."

She giggled again before looking at Zy.

"I like you, tita Ice. But my papa should marry my mama only. My papa is off limits. Sorry..." Papahina at cute niyang sabi.

I genuinely smiled while looking at my beautiful daughter. Nang dumako ang tingin ko kay Zy ay nilingon niya rin ako. I shrugged and raised an eyebrow, parang sinasabi sa kaniya na, sabi ko sa'yo eh.

"Ikaw talaga kung ano-anong nalalaman mo. Tara na nga." Aya ko sa kanila.

Naglabas ako ng mask para sa aming tatlo. Hindi naman sa ayaw kong magpakita sa mga tao pero nakasanayan ko na rin kasing mag mask tuwing nasa public. Isa pa, maraming tao rito, para na rin sa safety ni Nowy sa mga virus o kung ano man.

"Isuot mo na 'yan." Sambit ko habang inaabot kay Zy ang itim na mask. "Hindi ka naman na siguro makikilala ng mga tao diyan lalo na't nag iba ka na ng hairstyle."

Napansin ko ang pag iiba ng ekspresyon sa mukha ni Zy. Nagpilit siya ng ngiti at tumango tsaka iyon tinanggap.

"Hindi kita itinatago, kung 'yan ang nasa isip mo."

Huminto siya sa paggalaw.

"Gusto lang kitang i-soft launch."

Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. Natawa na lang ako sa reaksyon niya bago ako lumabas sa kotse. Pumunta ako sa shotgun seat para pagbuksan sila ng pinto. Kinarga ko si Nowy pababa at nilahad ko naman ang kamay ko para kay Zy. Nagdadalawang isip pa niya akong tiningnan pero sa huli ay hinawakan niya rin ang kamay ko habang bumababa sa kotse.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon