Chapter 4
Izzy's POV
"Congratulations!"
We all cheered while holding our champagne up. Nasa celebration party kami ngayon dahil sa successful collaboration at music video shoot ng SB19.
Of course, they are the star of the party. This is a private event and they are the main characters.
I just can't imagine how quickly everything have passed. Sobrang daming nangyari na hindi ko inaasahan. Unang una na doon ay ang partnership ng company namin at ng SB19, ang pagiging designer nilang lima lalo na ni Stell, ang mga moments na kasama ko silang lima, at kung ano-ano pa!
I actually even got to go to their music video shoot! Tatlo kaming designer kasama na si Tony na pumunta sa music video shoot para mag standby kung sakaling may mangyari sa mga maskara nila. Thank God, wala namang nangyaring hindi maganda at masasabi kong smooth ang naging shoot.
We are not allowed to post anything about the shoot until the final music video is out. Na-spoil na tuloy ako sa bago nilang kanta, mabuti na lang mabilis akong makalimot, limot ko na nga yung tunog eh.
I also didn't took videos, but I took some photos though, for memories. Basta sa isip ko na lang yung video ng behind the scenes na napanood ko sa personal.
Hindi ko nagawang makipag usap o makipag interact sa lima during shooting. We are all being professional on set that time. Pero tuwing nag vi-video sila para sa behind the scene ay hindi ko na magawang pigilan ang ngiti ko. I even got a chance to have a short exposure by playing hep-hep, hooray with Stell as the host. Sobrang playful at energetic niya talaga. He lifts up the crew's mood, and that's a good thing.
"Thank you po sa lahat. And syempre, thank you rin sa mga staff, cameraman, stylist, makeup artist, designers, sa lahat! Thank you po! Hindi po magiging successful yung MV shoot namin kung hindi dahil sa inyo. Thank you po!" Nakangiting sabi ni Stell.
They are all thanking everyone that worked behind the scenes. Masaya, masarap sa pakiramdam. Pero may parte sa akin na nalulungkot dahil mukang mahihirapan na ulit akong makita silang lima nang malapitan pagkatapos nito. Nakakalungkot lang dahil babalik na naman ako sa dati, trabaho lang ulit sa kompanya, at uuwi nang mag isa sa condo.
Yes, I've been staying at my condo for almost a week now. Bukod sa mas malapit iyon sa pinagtatrabahuhan ko ay malapit din kasi sa mga mall kaya doon ako kumuha ng unit. Hindi ko pa natatapos ayusin yung buong kwarto pero matatapos na rin yun.
Sinubukan kong mag enjoy sa party kahit na naiilang ako dahil sa dami ng tao. I'm not really into parties, I don't like the crowd. Mabuti na lang at may mga kakilala naman ako dito kahit papano dahil nandito rin sila Tony.
"Huy, kain ka pa, balik ka do'n sa catering oh, pwede pa raw bumalik." Ani Tony nang makaupo na siya sa silya sa tabi ko. Hawak niya ang isang plato na puno ng iba't ibang pagkain.
Umiling ako. "Thank you. Busog na 'ko eh." Uminom na lang ako ng wine at tumingin sa paligid.
Yeah, I drink, but not a lot. Humihinto na kasi ako sa pag inom pag nararamdaman ko na ang pagkahilo. Mag di-drive pa ako pauwi sa condo kaya hindi rin ako iinom ng marami.
"Parang hindi ka naman nag eenjoy eh." Komento ni Tony.
"Hindi ah, nag eenjoy kaya ako." Tanggi ko.
"Eh bakit ka naka simangot?"
Natahimik ako saglit at bumuga ng hangin. "Eh kasi naman... baka ito na yung huling beses na makikita tsaka makakausap ko sila nang ganito."
"Sus, yun lang naman pala. Hindi 'yan 'no, nega mo na naman. Approachable naman sila tsaka kilala ka na rin nila. Siguradong makikilala ka nila tuwing pupunta ka ng concert. Tsaka friend mo naman sila sa Facebook 'di ba? Edi pwede kayong mag communicate kahit papaano." Tony said, trying to lift my mood up.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanficThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.