Chapter 37
Stell's POV
Napapangiti na lang ako habang nag i-scroll sa mga photos at videos namin ni Zy na magkasama. Ngiti na may halong pait at saya. Ngiti na may sakit, lungkot at pangungulila. Sa ganitong paraan ko na lang nagagawang ibsan ang pagka-miss ko sa kaniya.
Kung good mood ako, masasayang ala-ala ang bumabalik sa isip ko. Kung malungkot naman ako, minsan napapaluha na lang ako habang inaalala ang mga oras na kasama ko pa siya.
Sa tagal ng panahon, sa dami ng araw na lumipas, wala, wala pa rin akong napapala. I kept waiting, hinintay ko na lang na ang mundo ang kusang gumawa ng daan para sa aming dalawa pero naiinip na 'ko.
Gaano pa ba katagal?
Bakit ba naman kasi umalis ka? I never wanted you to leave. Oo, nagsawa ako, napagod ako nung mga oras na 'yon. Pero imbis na tuluyang sumuko, pinilit ko pa ring lumaban at bumalik sa'yo. Just to find out na nawala na pala yung taong babalikan ko.
Sa tagal ba naman ng mga araw na lumipas, iba't ibang dahilan at bagay na ang naisip ko tungkol sa pag alis niya. Hindi kaya nasa probinsya siya? O baka naman itinuloy niya ang pag punta sa France? Sa bagay, para sa ikabubuti rin naman niya 'yon. Pangarap niya yun eh, gusto niya iyong gawin. Sino ba naman ako para humadlang sa pangarap ng mahal ko? Kung siya mismo ay napaka supportive sa career ko, magiging supportive na lang din ako sa kaniya.
Sa mga nagdaang buwan, wala akong inatupag kundi ang mag trabaho. Sinusubukan kong humanap ng ibang bagay na pagtutuunan ng pansin para hindi malugmok sa lungkot ang sarili.
"Eyy, angas, pwede na mang headlock ah." Comment ni Josh habang nagpapalakihan kami ng braso sa harap ng salamin.
"Pag nauntog ka dito, mahihilo ka." Pagmamayabang ko pa.
Nawala ang angas at yabang ko nang bigla na lang may maalala. Bigla na lang kadi pumasok sa isip ko ang unang beses naming pagkikuta ni Zy sa Araneta noon. Hay, siya na naman ang nasa isip ko.
"Tingin nga ng abs, tingin nga ng abs." Kantiyaw ni Josh sa 'kin.
Inangat ko ang suot kong sando at mayabang na nag pose sa harap ng salamin habang finiflex ang ab muscles ko.
"Wow! Pakat na pakat ah!" Buong ngiting sabi ni Josh. Mahina pa niyang tinapik ang tiyan ko gamit ang palad niya. "Naks! Kape na lang kulang!"
"Gwapong gwapo ka na naman sa 'kin, Josh." Panunukso ko sa kaniya.
Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Luh, yabang mo, may bakery din ako." Sabay angat sa damit niya. Tinapik niya rin ng dalawang beses ang plakado niyang tiyan.
Mas inangat ko pa ang damit ko para ipakita ang dibdib ko. "Hah, hah, mabangga giba." Pagmamayabang ko ulit.
"Tangina, legit!" Mangha niyang sabi sabay tapik sa dibdib ko.
"Aray, Josh, may sarili ka lang dede." Masungit ngunit pabiro kong sabi.
Natawa dita. "Mas malaki iyo eh, mas masarap hawakan."
"Hilig mo talaga sa malaking dede 'no?"
Natawa na lang siya ng kakaiba, yung may malisya. Ewan ko ba dito, kung ano-ano kasing sinasabi. Pati tuloy ako nadadamay.
Pasimple akong ngumiti na agad ko namang itinago dahil baka ako naman ang kantsawan niya. Bigla ko lang ulit naalala si Zy.
Huminga ako ng malalim at proud na tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Isa sa naging hobby ko ang pag gy-gym na isa rin sa pinagtuunan ko ng pansin para hindi malulong sa lungkot. At pagkatapos ng ilang buwan na pagbabatak dito, nagkaroon na rin ng resulta.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.