Chapter 43
Hinulaan ko lang ang oras ng uwian ni Zy sa trabaho niya kaya ilang minuto na akong naghihintay ngayon dito sa labas. Siniguro ko na mas mauuna akong dumating kaysa sa uwian nila para maabutan ko ang pag labas niya.
Nang mapansin kong marami na ang mga empleyadong lumalabas ay nagmasid na 'ko sa paligid. Hinintay kong lumabas si Zy. Pero sa pagkakataong 'to, hindi ko na siya lalapitan. Susundan ko na lang siya kung saan man siya pumunta.
Dumiretso ang likod ko nang maaninag ko si Zy na naglalakad palabas ng exit. Inobserbahan ko muna ang mga galaw niya, hinintay kung ano ang gagawin niya o kung saan siya pupunta.
Inaasahan kong didiretso siya sa parking para puntahan ang kotse niya ngunit kumunot ang noo ko nang mag lakad lang siya sa sidewalk. Pinaandar ko na ang kotse tsaka siya maingat na sinundan.
Mag isa lang siyang naglalakad. Matamlay at tila pagod. Patuloy ko lang siyang sinundan hanggang sa makarating na siya sa isang lugar na sakayan ng mga jeep. Mas lalo akong nagtaka nang sumakay siya sa jeep na mukha nang sardinas ang mga tao dahil sa sobrang siksikan.
Nakita ko kung paano niya pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo niya gamit ang likod ng palad niya. Kung paano siya magpaypay gamit ang kamay niya. Anong nangyari? Kailan pa siya natutong sumakay sa jeep? Nasaan ba ang kotse niya?
Gaya ng plano ko ay sinundan ko lang din ang jeep na sinasakyan niya. Ilang minuto lang ang lumipas nang bumaba na siya at naglakad na naman papasok sa isang eskinita.
Hindi ko muna siya sinundan at hinayaan munang may mauna na ilang sasakyan kaysa sa 'kin, baka kasi makahalata na siya at isipin pang gusto ko siyang kidnapin.
Hininto ko ang kotse sa 'di kalayuan mula sa bahay na pinasok niya. Nang tuluyan na siyang makapasok doon ay tsaka lang ako nagsuot ng mask at bumaba sa kotse.
Sinubukan kong itulak ang gate, bukas lang ang maliit na pinto no'n. Bumungad sa 'kin ang magkakarugtong na mga kwarto, mukhang apartment. Sinuri ko munang mabuti kung saan posibleng nagkukuwarto dito si Zy.
Napansin ko ang isang pares ng itim na heels sa tapat ng pinaka dulong pinto sa kanan, hindi ako pwedeng magkamali, kay Zy 'yon. Kaya agad akong lumapit sa kuwartong 'yon at kumatok sa pinto.
"Sino 'yan?" Rinig kong tanong niya mula sa loob bago bumukas ang pinto.
Nanlaki ang mga mata niya nang magsalubong ang paningin namin.
"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ko.
Hindi pa siya nakakasagot ay tinulak ko na ang pinto at kusa na akong pumasok sa loob. Wala na siyang nagawa kundi ang umatras at hayaan ako. Sinara ko rin ang pinto nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Inalis ko ang suot kong mask. "Mag usap tayo." Seryoso kong saad.
Kumurap siya ng dalawang beses bago tumingin sa likod ko. Akmang lalapit siya sa pinto nang harangin ko siya para pigilan. Medyo kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.
"Wala nang aalis, wala nang tatakas, wala nang mag wa-walk out." Sunod-sunod kong sabi.
"Stell, please." Pakiusap niya.
"Please, ano?" Matigas kong tanong.
Hindi siya nakasagot.
"Matagal ka nang nawala noon. Hindi ka na ulit mawawala ngayon lalo na't hinahanap ka na ni Nowy." I firmly said.
Pansin ko ang munting saya na namutawi sa mga mata niya matapos marinig ang sinabi ko. Pero agad din iyong nawala nang umiwas siya ng tingin.
"Sinabi ko naman sa'yo na hindi ko hinihiling na ipakilala mo ako sa kaniya." Mahina niyang sagot.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.