Hello! Sorry natagalan yung update. Super busy kang talaga sa studies, huhu. Don't worry, di naman ako mawawala! Pasulpot sulpot lang yung updates ko hehe.
Thank you all so much for patiently waiting for my updates! Sa mga readers, voters, commenters, thank you so muchhh!
Thank you all for loving Stell and Izzy! ❤️
- Nath(Nahhhlia)
Epilogue
Stell's POV
Seven years. Pitong taon na kaming magkakilala, magkasama, at nagmamahalan ni Izzy. Sa loob ng pitong taon, iba't ibang alaala ng saya, pagmamahalan, at problema ang napagdaanan namin. May mga alaalang masarap balikan, ang ilan naman ay ayaw ko nang maulit muli.
In those seven years, I met her, we became friends, we developed feelings, our love for each other grew, we faced difficulties, we separated ways, had Nowy, and got back together again.
Magulo, parang roller coaster ride. Nakakatakot, nakakakaba, pero masaya.
Pero ngayon, kita mo nga naman, pinagtagpo muli kami ng tadhana sa ikalawang pagkakataon. Sabi ko na nga ba, kami pa rin talaga sa huli. That is what I vision even before, kahit na noong nagsisimula pa lang kami. Na kahit na anong problema ang kakahatapin namin, sa huli, babagsak pa rin kami sa isa't isa.
"Love, what's next after the vegetables again?"
Nilapitan ko agad siya at tiningnan ang ulam na hinahalo niya. "Hmm, luto na ba yung gulay?"
Nilingon niya 'ko bago siya tumango. "Hm-mm,"
"Okay na 'yan kung ganun. Tikman mo na lang tapos timplahan mo ulit kung may nakukulangan ka pa." May ngiti kong sagot.
She nodded with a smile too. "Okay,"
Kasalukuyan siyang nagluluto ng kare-kare. Gusto niya raw kasing mag ulam no'n, pero dapat, siya ang magluluto. At first, nag i-insist ako na ako na lang ang magluluto dahil malaki na talaga ang siyam na buwan niyang tiyan. Pero since nagpupumilit din siya habang naluluha na, wala na akong nagawa. Ayaw ko namang mainis pa siya at umiyak.
Tinulungan ko na lang siya sa paghahanda ng ingredients at ng mga gagamitin sa pagluluto. Nagbibigay lang din ako ng directions sa kaniya habang pinapanood siya. Sabi niya kasi ay may gusto siyang timpla na hindi magagawa ng kahit sino. Kaya ayun, siya na ang bahala.
"Tikman mo na, love oh." Aya niya sa 'kin.
Tinikman ko ang kaunting sabaw sa wooden spoon. Ninamnam ko muna saglit ang lasa bago ako tumango-tango.
"Ano?" Naghihintay niyang tanong.
"Masarap," sagot ko agad.
"Really?"
I nodded again. "Hm-mm, sakto lang."
"Sure?" Mukhang hindi pa siya kumbinsido.
Tumango ulit ako. "Yes, mahal. Masarap, promise. Mas magaling ka na ata sa akin mag luto."
Mahina siyang natawa at humilig sa balikat ko saglit. "Mas magaling ka pa rin magluto, love."
Pinaikot ko ang braso ko sa likod niya. "Mas magaling kasi ako kumain." Nakangisi kong sabi sabay angat ng mga kilay.
Pinigilan niyang kumawala ang ngiti sa labi niya. "Ikaw talaga,"
Natawa na lang ako at tuluyan na siyang niyakap mula sa likuran, maingat kong ipinatong ang mga palad ko sa malaki niyang tiyan. Hinalikan ko siya sa sentido at pumikit naman siya habang nakangiti. Saglit kong inabot ang switch ng kalan para patayin ang apoy.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.