CHAPTER 6

552 22 35
                                    

Chapter 6

"Zy, malapit na tayo. Saan ka ba umuuwi? Ihahatid ka na namin."

Kasabay ng pagsasalita ay ang mahina kong pag tapik sa braso niya. Mula kanina hanggang ngayon, natulog lang siya sa biyahe.

Mainit ang singaw ng katawan niya pero malamig naman ang mga kamay niya. Kanina ko pa rin napapansin ang maya't maya niyang pagkamot sa iisang parte ng binti niya.

Dahan-dahan siyang umayos ng upo at nag hikab habang nakatakip ang kamay sa bibig. Palubog na ang araw at padilim na rin.

"Eto pala, gamot." Inabot ko sa kaniya ang isang maliit na paper bag.

"Huh? Saan niyo 'to nakuha?" Taka niyang tanong.

"Huminto tayo kanina sa pharmacy, si Xi na yung bumili. Mahimbing kasi yung tulog mo kanina pa kaya hindi mo siguro naramdaman na huminto yung kotse." Paliwanag ko.

"Ahh, ganon ba. Salamat. Magkano 'to?"

Umiling ako. "Hindi na, wag mo nang bayaran. Uminom ka na lang agad pagkarating mo sa inyo."

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. "Oh sige, salamat ulit."

"Saan ka ba nakatira, Zy? Hatid ka na lang namin para hindi ka na mag commute." Tanong naman ni Jah.

"Uhm, thank you ah. Sa condo ako tumutuloy ngayon eh, malapit doon sa company building namin. Ayos lang ba?" She asked in a soft voice.

"Sige, doon lang pala eh. Hatid ka na namin. Pakituro na lang yung daan."

She nodded. "Sige, salamat ulit ah."

As I observed her, muka siyang pagod, inaantok, at kamot talaga siya nang kamot sa kaliwa niyang hita. Ano bang nangyari sa kaniya? Hindi kaya nilagnat siya dahil naambunan siya kagabi?

"Sinong kasama mo sa condo?" Tanong ko naman.

Umiling siya. "Wala,"

Naku, sa condo siya nakatira tapos wala pa siyang kasama. Okay lang kaya siya dun? I mean, may sakit siya, and considering her struggles with some things... Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya, nag aalala lang ako.

Hindi na lang muna ako nagsalita. Nang makarating na kami sa condo niya ay pumarada muna kami sa loob dahil may mga gamit pa siyang iaakyat.

"Teka, ako na, samahan ka na namin ni Xi sa unit mo." Kinuha ko na sa kaniya ang bag na dala niya.

"Ha? Gabi na rin eh, ayos lang, baka malayo pa biyahe niyo." Tanggi niya.

Umiling si Jah. "Hindi, okay lang. Pahatid ka na sa kanila."

Tiningnan niya kami isa-isa, lahat kami ay nginitian siya kaya napabuga na lang siya ng hininga at tumango.

"Thank you, Jah. Thank you sa pag hatid ha. Babye." Paalam niya habang kumakaway.

"You're welcome. Pagaling ka." Kinawayan din siya ni Jah pabalik. "Hindi na ako makakasama sa unit mo ah, aayusin ko pa kasi 'tong mga gamit."

Se nodded. "Ayos lang. Babye!"

"Babye!"

Hindi ko siya hinayaang mag dala ng mabigat na gamit. Tanging shoulder bag na maliit lang ang dala niya. Magkatabi sila ngayon ni Xi. Nasa likod niya ang braso ni Xi at hinahaplos ang braso niya habang naglalakad. May hawak pa siyang phone at tumitingin siya do'n paminsan-minsan. Nasa likod lang naman nila ako.

"Huy, nahuhuli ka. Dito ka sa tabi namin." Ani Izzy sa 'kin nang makasakay na kami sa elevator.

"Hindi, ayos lang. Susundan ko na lang kayo."

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon