CHAPTER 32

724 18 79
                                    

Malamig at maulan na tanghali to all! Enjoy reading.

Chapter 32

Nakaupo na kami sa maliit niyang couch, magkatabi, hawak ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay habang inaayos ko naman ang mukha niya gamit ang isa. Sinisinok pa siya dahil sa pag iyak kanina.

"Ayos ka na?" Tanong ko.

Tumango siya. "T-Thank you," utal niyang sagot.

"Tubig? Gusto mong uminom?" Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pag higpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Wag na, okay lang." Umiiling niyang sabi. "Dito ka lang." Aniya na parang nakikiusap.

Nanatili lang ako sa tabi niya. Ikinulong ko ang kamay niya sa mga kamay ko habang marahang gumagalaw ang daliri ko sa likod ng palad niya.

"B-Balik na tayo." Aya niya kalaunan.

"Pwede naman tayong mag stay dito ngayong gabi."

Umiling siya. "Hindi pwede, may mga gagawin pa 'ko." Luminga siya sa paligid. "Teka lang, hindi ko pa pala nahahanap yung sketchbook ko." Tumayo na siya at bumitaw sa kamay ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad papunta sa working table niya. Binuksan niya ang maliliit na cabinet sa tabi no'n para hanapin angdinadabi niyang sketchbook.

I sighed. "Zy, hindi ka pa nga okay, trabaho pa rin yung nasa isip mo. Magpahinga ka muna."

"Hindi pwede eh. Marami akong deadline na kailangan habulin." Sagot niya habang naghahanap pa rin.

Napabuga na lang ulit ako ng hangin. Mas matimbang pa rin talaga sa kaniya ang trabaho.

Hindi na ulit ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Maya-maya ay napansin ko siyang huminto sa ginagawa, nilingon niya 'ko at nagmamadaling nilapitan.

"A-Ano bang gusto mong gawin natin? May kailangan ka ba? G-Gusto mo ba mag bonding muna tayo?" Sunod-sunod at tila ba kinakabahan niyang tanong.

Umiling ako. "Ayos lang, unahin mo na yung mga kailangan mong gawin."

Umiling din siya. "Hindi, okay lang, ako na'ng bahalang maghabol sa mga deadline ko. Tell me what you want us to do."

Kumunot ang noo ko dahil sa biglaan niyang pagbabago ng desisyon.

"Unahin mo na yung trabaho mo."

"Pero ikaw–"

"Ayos lang ako, gawin mo na yung dapat mong gawin. Pagkatapos mo, tsaka na lang ulit tayo mag bonding, hm? Tutal may mga rehearsal din naman ako sa mga susunod na araw para sa homecoming concert." I assured her.

"Sigurado ka?"

I nodded.

Mukha pa rin siyang nagdadalawang isip, na natatakot? Hindi ko alam kung bakit.

Tumango siya kalaunan. "Okay..."

Pagkatapos niyang mahanap ang lahat ng kailangan niya ay umalis na rin kami doon. Pinauna ko na siyang umalis at sinabihang susunod ako sa likod niya. Gusto ko mang isabay na lang siya sa kotse ko ay hindi naman niya pwedeng iwan ang sarili niyang kotse dito.

Ano ba talagang nangyari? Malamang may mabigat na nangyari kanina kaya ganun na lang ang iyak niya. Nag aalala na ako, baka may nangyayari na sa kaniya na hindi niya sinasabi sa 'kin o sa kahit kanino.

...

Izzy's POV

Pagkarating namin ni Stell sa condo niya ay dumiretso agad ako sa kusina para simulan ang trabaho ko. Na-delay na ako ng halos isang oras kaya kailangan kong magmadali.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon