Chapter 11
Nag lag ako dun ah.
Ilang segundo kaming nakatingin sa isa't isa na may bakas ng gulat sa mukha. Mukhang parehas naming hindi inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig namin.
Parehas na bahagyang nanlaki ang mga mata namin at medyo naka awang din ang bibig. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang sinabi ni Izzy. I was caught off guard.
Finally, nasabi ko na rin sa kaniya. Medyo matagal ko na ring itinatago at pinag iisipan ang tungkol dito. At ngayong nasabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko, hindi ko naman inasahan na marinig din ang mga salitang binanggit ko kanina galing sa kaniya.
Hindi naman ako lutang 'di ba? Hindi ko naman 'yon guni-guni 'no? Gising na gising naman ako. Sinabi niya talaga 'yon? Hngg, gusto kong sumigaw!
Nawala na lang ang pag la-lag ng utak ko nang mapansin ang ilaw na nagmumula sa likuran ni Izzy sa malayo. Oo nga pala, nasa gitna kami ng kalsada.
"May dadaan, gilid muna tayo." Aya ko sa kaniya.
Maingat kong hinawakan ang likod niya para igiya siya sa gilid ng kalsada. Parehas naming sinundan ng tingin ang kotse at nang makalayo na iyon ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa malayo at mukhang nahihiya na.
Mahina akong tumawa at pumalakpak pa ng isang beses para subukang alisin ang awkwardness sa pagitan namin. Nagtataka naman niya akong tiningnan.
"Sorry, hindi ko lang kasi in-expect." Sambit ko. Huminga ako ng malalim at sumeryoso na ang tingin. "Pero serious na. Seryoso ako sa sinabi ko, Zy." Pinaglaruan ko ang sarili kong mga daliri at umiwas ng tingin, huminga rin ako ng malalim para iwaksi ang kabang nararamdaman.
Pilit kong ibinalik ang tingin sa kaniya. "Ahm... Kung papayagan mo ako n-na mas makilala ka, to get to know each other, para ligawan ka," I still smiled even though my lips are trembling in nervousness. "it would be a pleasure to know you more and... to court you."
Nanatili lang ang tingin niya sa akin, wala akong makitang ekspresyon sa kaniya kaya mas kinabahan pa ako. Maya-maya pa ay may na-realize ako tungkol sa mga sinabi ko kanina.
"Ah, no pressure ha?" Nagpilit ako ng tawa sa gitna ng kaba. "Wag mong madaliin yung sarili mo, I can wait."
Ayaw ko namang madaliin niya ang sagot niya kahit na hindi pa siya sigurado, kahit na nga ba sinabi niyang gusto niya rin ako. But of course, her approval would be a great birthday present for me too. Walang katumbas ang pag payag niya sa mga natanggap at matatanggap kong pisikal na regalo.
Nagpigil ako ng ngiti sa pamamagitan ng pagkagat ng ibaba kong labi dahil sa naisip. Gusto niya rin pala ako.
Maya-maya pa ay bumuga siya ng hangin at tumango, ngumiti siya at sinabing, "Okay,"
Medyo nag taka ako doon. "Okay," sagot ko na may bahid ng pagtataka.
Tumango ulit siya. "Sige,"
Hindi ko na naitago ang pagkunot ng noo ko. "S-Sige...?" Hindi ko sure kung anong ibig sabihin no'n? Basta ang alam ko, parang sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok no'n.
"Uhm, I mean, s-sige," nahihiya siyang umiwas ng tingin at nagkamot ng ulo bago ako muling tingnan. "P-Payag ako... na l-ligawan mo."
Umangat ang mga kilay ko dahil sa gulat. "Payag ka na?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Huy, hindi mo naman kailangang madaliin. Ayos lang, pag isipan mo muna. Maghihintay naman ako." I don't want to make her feel pressured. Hindi naman required na sumagot agad siya kahit na sa tingin ko ay alam ko naman na ang isasagot niya.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanficThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.