CHAPTER 42

630 23 128
                                    

Chapter 42

"Sige na, paalam ka na sa friends and coaches mo."

Kumaway agad si Nowy. "Byebye, coach! Byebye everyone!"

"Bye, Snow!"

"Bye, Snow! Take care! Ingat po, sir Stell."

Matapos naming mag paalam sa kanila ay naglakad na kami palabas ng studio. Tumatalon talon pa si Nowy habang naglalakad at nakahawak sa kamay ko. Hawak ko naman ang mga gamit niya sa kabila kong kamay.

Kung tuwing lunes hanggang biyernes ay nasa eskwelahan siya, tuwing sabado, may gymnastics class naman siya. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ni Nowy at bigla na lang nahilig sa pagbabali ng buto. Sobrang proud naman ako sa kaniya dahil hindi siya takot sumubok ng ibang bagay. Nakakatuwa lang na willing to learn siya.

"Papa, do you know trampoline?" She suddenly asked while we're still walking.

Nagtaka agad ako. "Yes po. Why?" Ano na naman kaya ang binabalak ng batang 'to?

"Can we go to trampoline park, papa? Please, please." Ngumuso siya at nag puppy eyes pa. "I heard earlier sabi ng friend ko masaya daw po doon eh. I can jump and play with big sponges. I want to try, papa. Please?" At nag pa-cute na nga siya. Sabi ko na nga ba at may request na naman siya.

Tumingin ako sa relo para i-check ang oras. Medyo maaga pa naman. Pwede pa siguro kaming sumaglit doon.

"Sige, punta tayo." Sa huli ay pumayag din ako. Mahirap naman kasing tumanggi sa batang 'to, alam na alam niya ang kahinaan ko.

"Yey!" She cheered. Tumalon talon ulit siya. Tuwang tuwa na naman.

Grabe naman talaga itong batang 'to, hindi pa napagod sa gymnastics kanina? Gusto pa mag trampoline park? Sobrang energized mo naman ata, anak? Oo na, sa akin ka na nagmana ng pagiging malikot.

"Pero maagang matutulog mamayang gabi, ha? Bukas ka na lang manood ng TV, okay?"

Tumango agad siya. "Yes, papa!"

Pagdating namin sa trampoline park na sinasabi niya ay sinabihan ko rin si Ivan at Anjing kung nasaan kami ngayon. Baka lang kasi gusto nilang sumunod at maglaro rin para maglabas ng stress kahit papaano.

Si Anjing lang ang sumunod dito na agad din naglaro, parang naging bata rin siya na nakikipaglaro kay Nowy. Pero since mas matanda siya, ayun, nagpunta na kung saan-saan. Habang ako, eto, binabantayan si Nowy. As much as I wanted to try to play too, hindi ko naman magawa kasi natatakot akong baka mapano si Nowy pag hindi ko siya nabantayan ng kahit ilang segundo lang. Hay, papa duties nga naman.

Pinapanood ko lang si Nowy na nag aakyat baba sa pool na puno ng malalaking foam. Kumukuha siya ng ilang piraso ng foam at hinahagis sa itaas tsaka siya tatalon para maka akyat ulit. Nilabas ko ang cellphone ko at nirecord si Nowy.

"Baby, anong gawa mo po?" Tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya 'ko. "I'm building pyramid, papa!"

"Pyramid? Wow, galing ah." I cheered her. "Sige nga, patingin ng pyramid."

Hindi ako nag offer na tulungan siya hindi dahil sa ayaw ko o tinatamad ako, kundi dahil gusto kong matuto siyang gawin ang ibang bagay nang mag isa lang. Gusto kong matuto siyang maging independent. Gusto kong matuto siyang humanap ng paraan para sa mga bagay na gusto niyang makuha o mangyari.

Napangiti na lang ako sa likod ng camera habang pinapanood ang anak ko. Masaya naman ako dahil nagagawa niyang mag isip ng paraan ng hindi humihingi ng tulong.

Maya-maya pa ay malapit na niyang matapos ang binubuo niyang pyramid na gawa sa foam. Bumaba siya ulit para kumuha ng ilang piraso ng foam at muling umakyat. Maingat niyang inayos ang mga foam at ipinatong ang kahuli-hulihang bubuo sa pyramid.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon