CHAPTER 36

580 20 87
                                    

Chapter 36

Izzy's POV

I decided to stay on an apartment for now just to avoid mom from coming again and having a fight with her. Kahit na nga ba sinabi na niya sa 'kin na itinatakwil na niya ako at hindi na ako welcome sa pamilya namin ay gusto ko lang din manigurado. Lalo na't hindi na lang ang sarili ko ang iniisip ko ngayon, iniisip ko na rin ang kapakanan ng anak ko.

Kahit na hindi ako masyadong sanay sa ganitong klase ng lugar o pamunuhay, pipiliin ko na lang mag adjust. I was born to a middle class family. Lumaki akong hindi mahirap, pero hindi mayaman. And living like this is foreign to me. Especially now that the environment is new to me, the place is new to me, also, there is no aircon available here. Kailangan kong magtiis sa electric fan.

Maliit lang ang pwesto ko, simple lang din kumpara sa condo. Pero pwede na. Atleast, walang manggugulo sa amin ng anak ko dito.

I replaced my old sim card and deactivated my personal social media accounts so that mom wouldn't be able to contact me. Sa ngayon, masama ang loob ko sa kaniya. Pero hindi naman sa puntong galit ako sa kaniya. I just don't want to see her right now. Baka kung ano pa ang magawa niya sa 'kin at maapektuhan pa ang baby ko.

Wala akong pinagsabihan sa kahit na sino tungkol sa bago kong tinutuluyan, even Tony or Zack. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na 'to. Mas kaunti ang nakakaalam, mas mababa rin ang tiyansa na matunton ako ni mama.

I decided to visit Zack one day. I made sure to wear a facemask to avoid inhaling any virus that could affect my baby. Pagdating ko sa kwarto niya ay tulog siya at may oxygen tube sa ilong. Ayon kay tito, nahihirapan daw huminga si Zack kaya kinabitan siya nito.

Tito gave us privacy and left the room. Naupo ako sa silya sa tabi ng kama ni Zack at hinawakan ang kamay niya. Just like before, his skin is pale, his lips are pale too and cracked.

Kahit na tulog siya at hindi naman niya ako maririnig o masasagot, I still chose to talk to him in order to release this heavy feeling inside my chest.

"Zack... Bakit naman nandito ka na naman? Hindi ka na naman ba umiinom ng gamot araw-araw? Ang tigas din naman kasi ng ulo mo minsan eh. Edi sana wala ka ngayon dito." I smiled bitterly while looking at his sleeping face. "It's been so hard lately, Zack. Sunod-sunod na kamalasan yung nangyari sa 'kin. Patong patong na problema at sakit yung kinakaharap ko. Sobrang hirap." I looked down before sobbing. I tried wiping away my tears but it just continued to flow.

I shook my head. "Wala na rin si Stell." I cried harder. "Napagod na siya sa 'kin, hindi na niya ako kayang intindihin, and it's my fault. Nasaktan ko siya ng sobra at hindi na niya kinaya. Kaya ngayon, eto, wala akong magawa kundi umiyak na lang. Tatanga tanga kasi ako eh. Masyado akong naging kampante." Huminga ako ng malalim at muling inangat ang ulo. "Pinalaya ko na lang din siya, ayaw kong nasasaktan siya eh. Kaya kahit na masakit, I chose to let him go from the pain that I caused.

"Tsaka oo nga pala, may pamangkin ka na, magiging tito ka na, Zack." I chuckled amidst if crying. "'Di ba nag promise ako sa'yo noon na pag na-discharge ka sa ospital, mag aanak na ako? Eto na siya ngayon, isang buwan na." Gamit ang isa kong kamay ay humaplos ako sa tiyan ko. "Pero bumalik ka naman dito bigla. Pano ba 'yan? Eh hindi ko na pwedeng ibalik si baby eh." Natawa na lang ako sa sarili kong sinabi.

"I actually don't know if I could raise this baby all by myself. Nagiguilty rin ako kasi hindi ko sinabi kay Stell yung tungkol sa kaniya. As much as I want to, ayaw ko namang mag mukhang ginagamit ko ang baby namin para lang magbati kami kahit na sa totoo lang ay nasasaktan pa rin siya tuwing makikita o kasama ako. Ayaw kong mapilitan siyang tanggapin ako, kami, at pakisamahan ako kahit na hindi pa magaling ang sugat sa puso niya." I added.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon