CHAPTER 18

827 22 132
                                    

Chapter 18

"Mag plano na lang tayo ng meeting this week. I'll send the details maybe later or tomorrow."

Once I heard that the call ended, I continued walking upstairs. Doon ko nakita si mama at papa na nakaupo sa single chair at mukhang parehas na problemado.

"Pa," nag mano agad ako. "Ma," ganon din kay mama.

"What brought you here?" Papa asked.

"Bibisita lang po," sagot ko. "Kamusta po kayo?"

Pinaupo ako ni papa sa isa pang silya tsaka kami nag usap. I don't want them to think that I overheard their phone call with someone earlier. We just talked about our life; they asked about my job, my life in my condo alone, and my relationship with Stell.

Masaya na ako sa ganitong simpleng usapan. There's improvement, unlike before that we don't have any interactions at all.

Mama is still quiet, as always. Pero mas okay na yun, kaysa sa hindi niya talaga ako pinapansin at all. Minsan nga umaalis pa siya tuwing kausap ako eh... Kuntento na rin ako sa ganito kahit papaano.

"Uhm, pa... I-I accidentally heard mama's conversation with someone earlier." I admitted. "Uhm, I was thinking, m-magkano po ba ang kailangan niyo? I-I mean, gusto ko po kayong tulungan. N-Not to brag or what." I explained.

Mama wasn't with us this time. Nasa hamba na kasi kami ng pinto dahil paalis na rin ako. Kaya malaya ko nang nakausap si papa tungkol dito.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Mag uusap pa naman kami sa susunod na araw." Sagot ni papa.

"P-Pero pag kailangan niyo po ng tulong, sabihan niyo lang ako. And please don't tell mom. Pakisabi na lang po na isa sa mga client or investor yung tumulong sa inyo, baka kasi hindi niya tanggapin pag nalaman niya na galing sa 'kin." Pakiusap ko.

Papa nodded. "Noted,"

I smiled. "Sige po, mauna na ako. Pakisabi na lang kay mama na umalis na ako. Ingat po kayo dito."

"Take care too."

After leaving the house, I went straight to the hospital to visit Zack. Just like before, sobrang saya na naman niya nang makita niya akong pumasok sa kwarto niya. Sinalubong ko ulit siya ng mahigpit na yakap.

"Lalabas muna ako para makapag usap kayo." Sabi ni tito.

We both nodded.

"Kamusta? Mukhang marami kang kwento ah." Tanong ni Zack.

Mabilis akong tumango. "Marami talaga! Pero ikaw muna ang kakamustahin ko. May improvement na ba sa'yo? Anong sabi ng doktor?" Tanong ko.

Unti-unting nabawasan ang ngiti nita. "Still the same, pero atleast humihinga pa rin." Agad din naman niyang ibinalik ang ngiti niya. "So, what's the tea?" He changed the topic.

I told him every special details that happened to me. From my birthday, to what happened between me and Stell, and to my promotion. Tuwang tuwa siya nang marinig na na-promote na ako. Kahit na pansin ko ang panghihina niya ay natatapatan pa rin niya ang saya at energy ko.

"By the way, eto nga pala yung regalo ko sa'yo." Hinatak niya ang drawer sa tabi niya, at sa loob no'n ay may kahon na naka gift wrapper.

"Thank you!" I said as I accepted it.

"Buksan mo na." Nananabik niyang sabi.

I carefully teared up the box to avoid making mess out of the wrapper. We were both anticipating as I totally removed the outer wrap. At nang buksan ko na ang mismong kahon ay napangiti na lang ako.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon