Chapter 45
Mabilis pa sa alas kwatro na ibinalik ko sa dating pwesto ang container nang marinig ko ang tunog ng doorknob. Lumayo din agad ako doon at umaktong walang ginagawa nang makapasok na siya. Mukhang hindi naman niya ako nahalata.
"Kailangan mo nang umalis." Iyon agad ang sinabi niya pagpasok niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Ha? Bakit?"
"May mga darating akong workmates dito maya-maya. May gagawin kaming work related." Paliwanag niya.
Tumango ako. "Ahh... Workaholic ka pa rin pala." Maliit akong ngumiti. "I see," may pait ang pagkakasabi ko.
Tinuro ko ang damit niya. "Hindi ka magpapalit?"
Napatingin ulit siya sa suot niya. "Babae sila lahat."
"Kahit na," pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko.
She sighed. "Magpapalit ako mamaya pag nakaalis ka na."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman hihintayin mo pa akong umalis?" Nginisihan ko siya tsaka ako bumulong. "Sabay nga tayong naliligo dati."
"Stell," tawag niya sa pangalan ko sa tono na parang winawarningan ako.
Sumeryoso na ako ng tayo at tingin. "Eto na, eto na nga." Naglakad na ako palapit sa kaniya dahil nandoon din ang pinto. "Mag uusap ulit tayo sa susunod."
Hindi siya sumagot, sa halip ay bumuga lang siya ng hangin.
"Alis na 'ko. Ingat ka dito." Bilin ko sa kaniya.
Simple siyang tumango. "Hm, be careful driving." Bilin niya rin sa 'kin.
Napangiti naman ako. "Will do, ma'am." Pabiro pa akong sumaludo.
Binuksan ko na ang pinto at lumabas na pero huminto ako sa hamba ng pintuan niya. Hinarap ko ulit siya at sinabing,
"Wala man lang bang goodbye kiss?" Turo ko sa pisngi ko.
Nang tinitigan niya lang ako at hindi siya sumagot ay agad akong bumawi.
"Oh sige, ikaw na lang bibigyan ko ng goodbye kiss."
Palapit na sana ako sa kaniya nang humakbang naman siya palayo. "Stell," sabay tawag sa pangalan ko, nagrereklamo na.
Natawa na lang ako. "Eto na nga, aalis na po." Kinawayan ko siya. "Ingat," tsaka ko siya binigyan ng flying kiss habang naglalakad na palayo.
Pinanood lang naman niya ako hanggang sa makalabas na ako sa gate. Doon ko lang ibinuga ang malalim na hininga na kanina ko pa itinatago. Nawala rin agad ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa kotse.
Nang makapasok na ako sa driver's seat ay napatitig ako saglit sa kawalan habang malalim ang iniisip. Para saan kaya yung mga gamot na 'yon? Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na maalala ang itsura ng mga tableta at capsule na 'yon. Basta ang alam ko, magkakaiba iyon ng size, shape, at kulay.
Anong meron? May sakit ba siya? Bakit ang dami niyang gamot na iniinom? Para saan ang mga 'yon?
Binabagabag tuloy ako ng takot at pag aalala para kay Zy. Isa rin kaya 'yon sa dahilan kung bakit pilit niya akong iniiwasan? Kung bakit ayaw niyang magpakilala kay Nowy bilang mama niya? Ano ba talaga ang totoo?
Tangina, ang dami ko na namang tanong. Mahihirapan na naman akong matulog nito tuwing gabi hangga't hindi ako naliliwanagan. Ang hirap mabuhay araw-araw na may dalang pagtataka at takot para sa buhay ng mahal mo.
Natatakot ako para kay Zy. Pero hangga't hindi pa ako naliliwanagan sa kung ano ba talaga at para saan ang mga gamot na 'yon, susubukan kong hindi agad mag isip ng kung ano-ano. Baka naman kasi vitamins lang 'yon, 'di ba?
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
Hayran KurguThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.