Chapter 30
Stell's POV
Naging maayos naman ang lahat bukod sa staff na nasugatan kanina dahil sa nangyari. Pagkarating namin sa studio ay sabay-sabay kaming pumunta sa lugar kung nasaan sina Ken. Naiwan naman sila Zy at Zack sa grocery. Sa condo na kami magkikita mamaya.
Papunta sana si Ken sa venue ng solo gig niya ngayong gabi nang may manghagis ng malaking bato sa van na sinasakyan nila. Unfortunately, nabasag ang windshield at dumiretso iyon sa isa sa mga staff na nakaupo sa shotgun seat. May mga dumating naman na tulong mula sa ambulansya at pulis.
Halata ang takot kay Ken kanina nang makita ko siya kahit na dinadaan na lang niya iyon sa ngiti. Kilala ko 'yon, ramdam ko kung nagsisinungaling siya.
Itinuloy pa rin niya ang gig niya ngayong gabi, gumamit na lang sila ng ibang sasakyan. Kami naman ang nag asikaso dito sa lugar ng aksidente. Hindi pa nahahanap ng mga pulis kung sino ang salarin pero marami na rin daw ang mga pangyayaring gaya nito. Hindi rin daw nila alam kung bakit ginagawa 'yon ng suspect. Sadyang maingat lang ang taong 'yon kaya hindi mahuli.
Nakahinga na kami ng maayos matapos naming makausap ang mga pulis. Pero hindi pa rin panatag ang loob namin dahil nag aalala pa rin kami kay Ken, syempre pati na rin sa buhay namin. Hindi namin sigurado kung may galit ba sa amin ang taong 'yon kaya niya ginawa 'yon.
"Okay lang kayo?" Tanong ni kuya Yani.
Huminga kami ng malalim at tumango. Tumango rin siya at bahagyang ngumiti. Pare-parehas kaming hindi pa nakaka get over sa nangyari kaya tahimik din kaming lahat.
"So, about nga pala do'n sa nationwide tour niyo, may isinu-suggest si Pau."
Tumango lang kami at nakinig kay kuya Yani.
"Since simula na ng rainy season, gusto niyang i-adjust yung date ng tour niyo. May point naman siya kasi pare-parehas nga naman tayong mahihirapan lalo na kung may bagyo. Hindi lang kayo, pati na rin yung mga fans. So, kung kakayanin, dapat matapos na yung rour niyo by the end of July. Tutal May pa lang naman ngayon, may time pa para makapag prepare tayo, para na rin makapag ipon at makabili yung mga a-attend." Paliwanag niya.
Tumango kaming lahat. Hindi ko pa nga pala nababanggit kay Zy ang tungkol dito. Ayaw ko kasing i-spoil siya since A'TIN pa rin naman siya. Yun nga lang, nag aalala na naman ako para sa schedule namin. Parehas na naman kaming busy.
"Tsaka yung tour niyo rin abroad magsisimula tayo sa Canada. Start na sa last week of July hanggang mid September. Kaya pa ba?"
Napahinga ako ng malalim, may tour pa nga pala kami sa ibang bansa. Kung bibilangin, almost four months akong busy. Isang buwan na rehearsal at preparations, at tatlong buwan na tour in and out of the country. Pagbalik namin dito, may ibang sched pa kami. Hay, hirap mag adjust. Iba pa naman ang oras sa mga bansang pupuntahan namin.
Wala pa si Zy sa condo nang makauwi na 'ko. Ang napag usapan namin kanina sa supermarket ay kanya-kanyang uwi na lang kami since hindi ko alam kung anong oras ako matatapos. Ine-expect ko na nandito na siya bago ako dumating pero nauna pa pala ako. Wala rin naman siyang text. Nasan na yun?
Alas nueve nang marinig ko ang tunog ng doorknob. Boses niya agad ang narinig ko, binati yung dalawang pusa. Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto para salubungin siya.
"Bakit ngayon ka lang?" Mahinahon kong tanong.
Tiningnan niya lang ako saglit bago niya ibinaba ang dalawang eco bag na hawak niya.
"Sorry, nanood pa kasi kami ni Zack sa sine. Eh last show na yung naabutan namin kaya medyo ginabi na." Sagot niya. "Akala ko kasi gagabihin ka rin."
Mag tatampo na saba ako pero naalala kong kakabati nga lang pala namin. Kaya huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bakit naman ako maiinggit kung nanood man sila sa sine? Pwede naman kami mag Netflix dito sa bahay. Magagawa pa namin yung gusto naming gawin.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.