CHAPTER 17

702 16 37
                                    

Chapter 17

He suddenly pulled me to hide on the dimmed corner when a group of people passed by. Tahimik naming hinintay na makaalis sila at sabay kaming tahimik na humahagikgik.

After getting his phone, we carefully went out of the place. We're both laughing while running back to his car, our hands tightly clasped with each other. Umalis kami doon na parang walang nangyari tsaka kami tumatawang naupo sa sasakyan.

That was so fun! And romantic.

The kiss, it was beautiful and magical. I've sometimes dreamt of having a perfect first kiss with the man that I love the most. In a beautiful place with a breathtaking view. And Stell made it come true. It was beautiful, yet so special.

Hindi ko na napansin ang oras sa biyahe dahil sa kadaldalan namin. Hindi ko na rin alintana ang pagod dahil sa pinag gagagawa namin kanina dahil mas nangingibabaw ang saya ko. Hindi ko na nga namalayan na malapit na pala kami sa condo ko.

It's late, and it's Monday tomorrow. Okay lang, worth it naman yung pagod at puyat ko ngayong araw. Siguradong may energy pa rin ako bukas pagkagising kahit na puyat ako.

"May... gagawin ka ba bukas?" Tanong ko kay Stell nang maihatid na niya 'ko sa unit ko.

"Uhm, 'di ako sure. Bakit?"

Tumingin ako sa wall clock. "It's late," aloat eleven in the evening. "P-Pwede ka namang mag stay dito... If you want." I shrugged.

Sandali siyang natigilan at nakatitig lang sa 'kin, mukhang nabigla sa sinabi ko. What's wrong? Natulog naman na ako sa condo niya, okay lang din naman na matulog siya dito, may kalakihan naman yung kama ko.

"Uhm, pwede naman. Pero may trabaho ka bukas 'di ba?" Bakas ang pagkasabik sa itsura niya.

I nodded. "Kaya nga tinatanong kita kung may gagawin ka rin bukas."

"Pwede naman ako matulog dito, tapos pag papasok ka na sa trabaho, uwi na rin ako." Plano niya

I nodded. I'm okay with that. "So... Dito ka na matutulog?" I curiously asked.

He lagged for a second before smiling slowly. He nodded. "Sige,"

I smile back. "Teka, baka pala wala akong damit na kasya sa'yo." Alala kong sabi.

"Hindi, okay lang. May damit ako sa kotse. Lagi akong nagdadala incase of emergency." Paliwanag niya. "Kunin ko lang."

I nodded. "Sige."

Nang makaalis na siya ay nagmamadali ko namang inayos ang paligid. I smelled my pillows, my comforter, and even the bedsheet. Kakapalit ko pa lang naman nito kahapon noong naglaba ako pero naninigurado na rin.

Nang masigurong okay pa naman ang amoy ng kama ko ay nag sindi ako ng scented candle para naman bumango ang paligid. I also looked inside my fridge and cabinets to check if I still have stock of food for breakfast and incase he wants to eat something before going to bed.

Then I realized, I just went for a grocery earlier. Stupid.

Gosh, it wasn't our first time sleeping on the same bed, but it's different now that it's my place where he's staying in! Ayos lang ba ang itsura ng unit ko? Hindi ba magulo? Marumi ba yung sahig? Nakakahiya naman kasi sobrang linis at ayos ng unit niya eh.

After a few minutes, he came back with a paper bag in his hand. I guess it was his clothes.

"N-Nagugutom ka ba? Baka may gusto kang kainin bago matulog?" I asked.

Umiling siya. "Busog pa naman ako sa kinain natin kanina. Ikaw? Nagugutom ka pa ba?"

"Ah, hindi. Busog pa rin ako." Kumakain din kasi kami habang nasa biyahe.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon