Chapter 8
Stell's POV
Nag aalala ako kay Zy. Isa pa... nakokonsensya rin ako kasi feeling ko isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagkasakit. Ako yung nag invite sa kaniya sa camping eh, tapos nagkasakit siya pagkatapos nun. Feeling ko tuloy kasalanan ko.
Dahil doon hindi ko siya mapigilang isipin. Bukod pa doon, napapaisip din ako kung naaalagaan ba niya nang maayos ang sarili niya dahil bukod sa hirap siya sa ibang bagay ay mag isa lang din siya sa condo. Hindi talaga biro ang magkasakit nang walang kasama sa bahay.
Whenever I wake up suddenly to pee in the middle of sleeping, I also think about Zy's condition. Naiisip kong i-chat siya para tanungin kung okay na ba siya pero maaalala ko na lang na gabi pa pala. Lutang moments.
Kaya pagkagising ko nung umaga ay tinanong ko agad siya kung ano na ang lagay niya, pati na rin nung tanghali. Hindi pa nga siya agad sumagot at ang unang pumasok sa isip ko ay mukhang tulog siya.
I cooked chicken curry for lunch. Ewan ko ba. Basta anim na pirasong chicken drumstick yung kinuha ko kahapon sa grocery kahit na normally tatlo lang ang binibili ko. Naisip ko kasi na baka gusto ni Zy.
At eto na nga, tapos ko nang lutuin, at nakalagay na rin sa tupperware. I'm thinking of bringing her homemade food today, para naman hindi puro instant at prito ang kinakain niya. Yun kasi yung napansin ko sa mga pagkain na naka stock sa condo niya nung nakaraan.
Hindi ako sigurado kung papayag siyang puntahan ko siya ngayong araw para dalhan siya ng ulam. But knowing Izzy, alam kong mahirap para sa kaniya ang tumanggi. Masyado kasi siyang mabait.
Izzy
Hindi pa eh kagigising ko langMe
AhhShocks, sakto hindi pa pala siya kumakain. Pero shocks ulit, hindi ko alam kung paano ko sasabihin! Punta ako diyan ah, pwede ako pumunta ulit sa condo mo? Gusto mo ng chicken curry? Nagluto kasi ako, Zy nagluto ako chicken curry gusto mo ba? Dalhan kita hehe.
It all ended up being erased even before sending. Hindi ako makapag compose nang tama. Stell, si Zy lang 'yan. Wag OA.
Me
Nagluto kasi ako ng chicken curry kanina. Pwede ba kitang dalhan?Napahinga ako nang malalim matapos ko iyong i-send. Mabuti na lang din at pumayag siya, hindi nasayang ang paghahanap ko ng tupperware na medyo malaki, actually, pati na rin yung pagbibihis. Nakabihis na kasi talaga ako bago ko pa man siya i-chat. Mabuti na lang din at pumayag siya kasi wala akong kasamang uubos ng ulam ko, ang dami pa naman nito. Buti naman at may patutunguhan ang mga pinag gagagawa ko.
Pagkarating ko sa condo niya ay ngiti agad niya ang bumungad sa 'kin. Pero bukod doon, isang concerning na bagay ang napansin ko sa kaniya. Bakit may butlig sa hita niya?
Hindi ko agad iyon natanong sa kaniya hanggang sa matapos na kaming kumain.
"Pa-check mo kaya? Tara, samahan kita. May alam akong derma."
Hindi ko na rin napigilan mag suggest. I don't know. Maybe because of guilt, also worry and concern. Good thing is she didn't turn down.
"Tara, bihis ka na. Ako na'ng bahala dito." Tukoy ko sa mga hugasin.
"Ha? Teka, hindi na, ako na na'ng bahala diyan mamaya." Pigil niya sa 'kin.
"Hindi, okay lang. Sige na, gumayak ka na lang."
"Stell,"
Nginitian ko na lang siya. "Go na, Zy. Bihis ka na. Tsaka pala kung may dress ka o kaya skirt, yun na lang yung isuot mo para hindi ka na mahirapan pag tiningnan ng doktor yung binti mo."
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
ФанфикThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.