CHAPTER 50

784 17 78
                                    

Huwaw the most longest story na naisulat ko.

Enjoy reading!

Chapter 50

"A-Anong meron kay ate?" I asked curiously.

[Izzy, mas mabuti kung sa personal natin pag uusapan.] Mom answered.

I got interested since it's about ate. But right now, I don't think I can meet them for the next few days. Kakaayos lang ng pamilya namin ni Stell at gusto kong bawiin ang mga oras at araw na hindi kami magkasama.

"I'm currently busy at the moment."

[Kahit na para sa ate mo?] Hindi makapaniwala at dismayadong tanong ni mama.

"Sa mga susunod na araw na lang po, ma, pa." I politely decline.

[Tungkol ito sa nakapatay sa ate mo.]

My eyes widened and I gasped.

[Izzy, kailangan ka namin ng papa mo dito, kailangan na kailangan ka naming makausap. We badly need you here.] Mom insisted.

I gulped and fell silent for a moment. I was left speechless and didn't know what to say. Nagdadalawang isip na ako dahil gusto kong malaman ang sasabihin nila mama, pero ayaw ko namang mag paalam sa kanila bigla na aalis ako kinabukasan lalo na at may plano na si Stell sa amin para bukas.

"Hindi ba pwedeng sabihin niyo na lang po sa akin ngayon?" I asked.

[We can't talk about it through the phone. Mas mabuti kung sa personal natin pag uusapan.]

Nagsalubong ang kilay ko. "Why? Hindi po ako sigurado sa magiging schedule ko sa mga susunod na araw."

[It's too... sensitive and personal.] Papahinang sagot ni mama.

[Izzy, please understand us. Mas mabuti kung sa personal tayo mag uusap para mas magkaintindihan tayo.] Sabi naman ni papa.

I sighed and nodded. "Okay. Hahanap po ako ng oras para puntahan kayo."

[Sure, sure. Just update us.]

[Izzy, come here as soon as possible.] Mom reminded me.

I sighed. "I'll try."

I was left with a lot of thoughts running inside my head after the call. Kung tungkol iyon sa nakabangga kay ate noon, malamang ay may update na doon ngayon. Ang pumapasok sa isip ko ay baka nakita na nila kung sino ang driver ng kotseng 'yon.

But how? It's been years since it happened. We only had a CCTV footage of the incident and nothing else. The driver was masked so we couldn't tell what he looked like. The car was found but we never found the driver. Habang patagal nang patagal ay hindi na rin masyadong natututukan ng pulis ang kaso ni ate hanggang sa tuluyan nang hindi nahanap ang may sala.

Pero kung sakaling tama nga ang hinala ko at nahanap na kung sino ang may gawa nun kay ate, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya at mabubulok siya sa kulungan. He could've helped my ate and take her to the hospital that night, baka sakaling ma-revive pa siya ng mga doktor. But he chose to run away and let my ate bleed to death.

Because of him, I lost the person that I trusted and loved me the most. Because of him, ate didn't even get to experience the life that she deserves. Because of that man, my ate's life was cut short.

The loathe that I feel for that man, I can feel it growing inside me again. The pain and the grief that I experienced when ate passed away is turning into anger to that man.

Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya kay ate. Kahit sino pa siya at kahit ano pa ang estado ng buhay niya. My ate deserves justice.

Hindi ko na maalis sa isip ko ang mga impormasyong iyon matapos ang tawag. Tulog na nga si Nowy sa tabi ko pero gising pa rin ang diwa ko. Nasa kabilang dulo ng kama nakahiga si Nowy sa tabi ng pader, ako naman ang nasa pagitan nila ngayon ni Stell.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon