Chapter 25
Patakbo akong lumapit kay Zack at agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Niyakap din niya ako ng mahigpit. Hindi maitatanggi sa lawak ng ngiti namin ang sayang nararamdaman.
Napatalon-talon pa ako nang bumitiw ako sa yakap. I just can't believe that he's really here, outside, standing in front of me. My best friend.
"Zack! Oh my gosh, you're here!" Halos mapunit na ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko.
He's smiling so wide too. "Kamusta ka?"
"Ikaw ang kamusta! Oh my gosh, hindi ako makapaniwala." I chuckled. "Kailan pa? Kailan ka pa pinalabas ng doktor? Ibig sabihin ba nito, magaling ka na?" I asked in a hopeful tone.
"Nung isang araw lang ako nakalabas." He answered with a smile. "Ikaw? Kamusta ka dito sa trabaho mo? Madam na madam ka na ngayon ah, boss na boss." He teased.
Natatawa akong umiling. "Hindi ah, ganun pa rin naman ako gaya ng dati. Posisyon ko lang yung nagbago, ako pa rin naman 'to." I sighed. "I can't believe you're here."
He chuckled. "Kanina mo pa sinasabi 'yan."
"Hindi lang talaga ako makapaniwala." Ulit ko pa. "Sobrang tagal na nung huli kitang nakita na nasa labas ng ospital. I'm glad, I'm happy for you." I sincerely said.
He smiled genuinely at me. "Masaya rin akong makita ka ulit... sa labas ng ospital."
We both chuckled. Tumabi na ako sa kaniya at gumilid kami para hindi makaharang sa mga dumadaang empleyado.
"Your lips aren't cracked." Pansin ko.
May dinukot siya sa bulsa niya at ipinakita sa akin. "Lip balm,"
Natawa kami pareho. Iyon kasi ang lip balm na ni-recommend ko sa kaniya, binigyan ko nga rin siya ng gaya no'n dati at nagustuhan niya.
"Bonding tayo! Pwede ka ba mag mall? Tara!" Aya ko sa kaniya.
"Oo naman. Ikaw? May trabaho ka pa ata bukas."
"Ayos lang, ngayon na lang ulit tayo makakapag bonding sa labas eh. Teka, tawagan ko lang si Stell."
I opened my bag to grab my phone. Sakto namang online si Stell. Tumingin muna ako sa paligid, binabaan ang brightness ng phone, at tinawagan si Stell.
...
Stell's POV
Katatapos lang ng rehearsals namin kaya nag re-ready na kaming umuwi. Buti na lang at maaga kaming natapos, balak ko kasing magluto ng hapunan, yung paborito ni Izzy na curry. Isa pa, may brand na nagpadala sa amin ng ice cream. Isa 'to sa mga cravings ni Izzy ngayong may dalaw siya kaya naisip ko na iuwi na lang 'to para sa kaniya. Foodtrip na lang kami habang nanonood sa TV.
Inaayos ko ang mga gamit ko nang mag ring ang cellphone ko. Nang makita kong si Izzy ang tumatawag ay lumabas muna ako sa studio para mapag isa bago ko sinagot ang tawag.
"Mahal, ano 'yon?" Tanong ko.
Mula sa itsura ng background ay mukhang nasa labas siya ng building nila, out na niya. Malawak ang ngiti niya, kilala ko ang ngiting 'yon. Mukhang may maganda siyang sasabihin.
[Love, look,] she pointed the camera at the person standing beside her.
Literal na nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko nang makita si Zack. Nakangiti at kumakaway pa sa camera.
"Zack, hala, nakalabas ka na?" Gulat kong sabi.
Ngumiti siya at tumango. [Thankfully, yes.]
"Wow, congrats!" Hindi makapaniwala ko pa ring sabi. "Good for you." Ngumiti na ako this time.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.