CHAPTER 14

649 21 84
                                    

Chapter 14

Izzy's POV

"Wag ka nang maghanap ng lugar, dito ka na lang sa studio." Stell suggested.

"Oo nga. Dito walang bayad, basta may handa okay na yun." Xi second the motion.

Nag papatulong kasi ako sa kanilang mag hanap ng events place na medyo maliit lang dahil iilan lang naman ang iimbitahan ko sa birthday ko. Hindi ko naman talaga planong mag birthday ng enggrande, gusto ko lang na magkakilala at magkaroon ng interaction yung pamilya namin ni Stell.

Sa wakas, naging maayos at smooth naman ang takbo ng lahat. A few days ago, Raver and I went to talk with his parents about our own relationship stuff. Naiintindihan naman ng mga magulang ni Raver ang sitwasyon pero sa itsura nila ay parang may kaunting lungkot o disappointment. That's understandable. The important thing is they accepted our decision.

Sana lang din matanggap nila ang girlfriend ni Raver eventually. I still wish the best for him, he's a friend.

"Eh ginagamit niyo 'tong studio eh. Tsaka 'di ba ginagamit din ng ibang group bukod pa sa inyo?" Tanong ko.

"Magkaiba naman kami ng studio, sa kabila sila." Sagot muli ni Stell.

I sighed heavily while thinking. Gusto ko yung suggestion nila na dito na lang para private at isa pa, walang bayad. Yun nga lang, nakakahiya naman kung dito pa ako mag ce-celebrate. Buti sana kung isa ako sa mga members eh.

Okay din sana na mag rent na lang ako ng resto o ng isang lugar. Yun nga lang bukod sa magastos, hindi rin masyadong private dahil siguradong may ibang tao na mag a-assist sa amin. As much as possible, ayaw ko na lumabas yung tungkol sa panliligaw sa akin ni Stell. We have to be careful.

"Nakakahiya naman kasi kung dito, hindi naman ako staff o ano. Tsaka baka may gawin kayo that time, 'di ba? Baka may rehearsal kayo or something." Pangangatwiran ko.

"Kaya nga pinaplano na para maayos yung sched. Ikaw pa rin naman ang bahalang mag desisyon, suggestion lang naman namin na dito na lang para bukod sa wala kang babayaran sa lugar, alam na rin ng karamihan kung saan sila pupunta." Stell answered again.

"Dito ka na lang kasi, pwede 'yan, wag ka nang mahiya. Para namang others." Ani Xi.

"Oo nga. Tsaka birthday mo naman, ibibigay na namin sa'yo yung araw na 'yon." Si Jah naman.

"Uy, ano 'yan? Sino may birthday?"

Napalingon kaming lahat dahil sa nag salita. Papalapit sa amin ngayon si Pau na kakarating lang. Nakasuot pa ng motorcycle gloves. Nakasunod naman sa kaniya si Ken.

"Ikaw? Birthday mo?" Tanong niya sa 'kin. Bago pa man ako makasagot ay naunahan na niga akom. "Happy birthday!" Bati niya, nakipag apir pa siya kaya nag apir na lang ako.

"Hindi pa! Sa isang araw pa." Sabi ni Stell.

"Ay hindi pa ba, akala ko," natatawa niyang sabi.

"May birthday? Birthday mo?" Si Ken naman ang nagtanong sa 'kin. "Uy, happy birthday."

"Sa isang araw pa!" Sabay-sabay na sabi nung tatlo; Stell, Jah, at Xi. Medyo napalakas tuloy ang boses nila dahil tatlo silang nagsalita.

"Ay, hindi pa ba?" Nahihiya siyang nag kamot ng batok. Ken's lips also formed a thin line while smiling, looking embarrassed. "Sorry, akala ko ngayon na. Edi advance happy birthday!" Sabi naman niya bago nakipag apir din sa 'kin.

"Thank you," sabi ko sa kanilang dalawa.

Kanina ay apat lang kaming nag paplano, ngayon kasama na rin si Pau, nakikinig lang naman si Ken at paminsan-minsang nagsasalita para mag suggest. Nakumbinsi nila ako na dito na lang sa The Zone mag celebrate ng birthday tutal hindi naman kami ganon karami. Nang ma-settle na yung lugar, nag plano naman kami ng mga handa at kaunting design na ilalagay sa paligid.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon