Chapter 31
Zack's POV
"Sure, ma'am. Expect the designs to be sent later at six po."
"Around seven po, okay lang po ba?"
"Nine or ten po? Sige po, ayos lang po."
Tahimik lang akong nakikinig kay Zy tuwing may kausap siya sa telepono. Panay ang tunog ng cellphone niya dahil sa mga tawag, text, at notifications galing sa Gmail. Pinapanood ko rin siyang mag type at gumawa ng designs. Kapansin pansin nga lang ang sticky notes na nakadikit sa laptop niya. Nakasulat kasi doon ang schedule ng mga gagawin o ipapasa ata niya.
Sunod-sunod ang oras sa isang araw, araw-araw. May meeting ata siya every other day, may kailangang ipasa everyday, may kailangan ipa-check sa client kada oras, at may mga design na kailangang tapusin. Sa sobrang dami niyang gagawin ay ako na ang nalulula para sa kaniya.
Napatitig na lang ako kay Zy at huminga ng malalim. Halata ang pagod at stress sa itsura niya. Kanina pa rin siya hikab ng hikab at laging minamasahe ang sentido.
Tinulungan ko siya sa abot ng makakaya ko, naaawa na kasi ako sa bestfriend ko. Masyado siyang pressured sa trabaho niya, perfectionist pa naman ang isang 'to. Kaya kahit na simpleng pagluluto lang ng hapunan, pag reremind sa kaniya ng schedule niya, at pagkukulay sa mga draft designs niya sa IPad ay malaking tulong na rin sa kaniya.
Nag paalam lang ako saglit para mag banyo, pagkalabas ko ay nakadukdok na siya sa mesa at mukhang tulog na. Naiwan niya ang kung ano man na tina-type niya sa laptop. Napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin sa kaniya.
Isisinop ko na sana ang mga gamit niya nang tumunog na naman ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko nang makitang alarm iyon, lalo na sa note na nakalagay sa alarm. Update Stell.
Pinatay ko ang alarm at tumingin ulit kay Zy na natutulog pa rin. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Stell at Zy ngayon pero sa tingin ko ay hindi sila masyadong nag uusap. Mula kasi kanina ay hindi ko nakitang tasagan o i-chat man lang ni Zy si Stell. Sa tingin ko may problema sila.
Sinubukan kong tawagan si Stell gamit ang phone ko. Nagulat pa ako at hindi nakapag salita agad nang sagutin niya ang tawag. Hindi ko naman kasi ine-expect na sasagot siya dahil nga busy ata sila sa ibang bansa.
...
Stell's POV
Nagtataka akong tumingin sa taong tumatawag sa akin, si Zack. Medyo kakagising ko lang kaya ilang segundo ang lumipas bago ko iyon sinagot.
"Hello?"
[H-Hello, Stell? Uy, musta? Sorry, nakaistorbo ba 'ko? Mukhang kakagising mo lang eh.] Sunod-sunod niyang sabi.
Dahan-dahan akong bumangon. "Ah, hindi naman. Kakagising ko lang din kani-kanina. Napatawag ka nga pala?"
Narinig ko siyang huminga ng malalim. [Ahh, kasi Stell, nag aalala lang ako kay Zy.]
Kumunot ang noo ko. Halata nga sa boses niya ang pag aalala.
"Ganun ba." Bulong ko.
[Hmm... Ano, kasi, kinamusta ko siya kanina, aayain ko sanang lumabas o gumala saglit. Hindi ko inaasahan na tatanggi siya. Sabi niya busy raw kasi siya sa trabaho tapos wala ka pa pala dito sa Pinas. So, nag volunteer ako para matulungan siya kahit kaunti. Kaya eto, nandito ako ngayon sa condo mo, tinutulungan siya. Pasensya na kung hindi mo ata alam.] Nagpilit siya ng tawa.
"Hindi, okay lang, welcome ka naman diyan." I assured him.
[Hmm, salamat.] Huminga ulit siya ng malalim. [Uhm, yun nga, nagulat lang ako sa sobrang dami niyang ginagawa, as in. Nakita ko yung listahan niya ng schedule, yung ulo ko yung sumasakit para sa kaniya. Sunod-sunod, grabe, araw-araw ata puno yung sched niya. Sobrang dami niyang clients kaya sobrang dami niya ring ginagawa. Plus, promoted na siya 'di ba? Kaya iba pa doon yung ginagawa niya as a head tsaka yung ginagawa niyang projects as a designer.]
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.