CHAPTER 55

744 19 75
                                    

Chapter 55

Stell's POV

"Uy! Tangina, angas!"

"Gago, mahal 'yan ah? Magkano 'yan? Saan mo nabili?"

"Pogi, gagi."

Pare-parehas kami ng reaksyon nang makita ang mamahaling sasakyan ni Geoff, pinaghalong gulat at pagkamangha. Ang ilan sa kanila ay may kanha-kaniyang dala ng bote ng alak, ang iba naman ay dumiretso sa kotse at humawak doon.

"Pasakay ako, Geoff!" Sabi ni Anne na malaki ang ngiti.

"Luh, 'di kita type 'no." Sagot naman ni Geoff.

Tinaasan siya ng kilay ni Anne at nag pamewang pa ito. "Sabog ka ba?" Mataray niyang tanong.

Sabay-sabay tuloy kaming natawa dahil sa sagot ni Anne. Since pare-parehas na kaming may tama, pare-parehas naman na talaga kaming sabog.

"Try natin! Pwede ba?" Aya ni Gia.

"Sure, sure. Eto yung susi oh." Inabot sa amin ni Geoff ang susi.

"Marunong ka ba mag drive?" Tanong sa 'kin ni Paul.

Nagkibit balikat ako. "Kaunti lang." May alam naman ako pero hindi nga lang ako nakakapag praktis.

"Tara, try natin! Si Stell daw mag drive! Tara!" Aya sa amin ni Paul.

Sabay-sabay kaming lumapit sa kotse. Nang pindutin ko ang lock mula sa susi ay tumunog iyon at umilaw ng dalawang beses ang mga ilaw sa harap at likod. Sabay-sabay kaming napa-wow dahil sa nakita.

"Wait! Masyadong maliit dito sa garahe." Pigil ni Anne.

"Teka, ilalabas ko. Wala namang dumadaan dito tuwing gabi." Uminom muna si Geoff sa dala niyang alak at ibinaba ang bote sa sahig bago niya kinuha ang susi sa akin at nilabas ang kotse.

Nag uunahan silang sumakay sa kotse habang ako naman ay dumiretso sa driver's seat. Nang buhayin ko na ang makina ay nag sigawan na may halakhak na naman sila dahil sa pagkamangha. Pati ako ay hindi rin makapaniwala dahil sa angas ng itsura ng kotseng 'to.

"Ingatan niyo 'yan ah. Pag 'yan nagasgasan," Banta sa amin ni Geoff. Hindi naman siya pinansin nung tatlo at nag dire-diretso lang sa kotse.

"Let's go!" Excited na sigaw ni Anne habang pumapalakpak pa.

"Dahan-dahan lang Stell ah." Paalala ni Paul na nasa shotgun seat.

Ginamit ko ang natitira kong kaalaman sa pagmamaneho at nagawang paandarin ang kotse. Ngunit katumbas pa lang ata ng isang hakbang ang nababaybay namin ay nag-preno agad ako dahil sa takot na hindi ko makontrol ang sasakyan. Pare-parehas tuloy kaming medyo nasubsob ang mukha sa harapan.

"Ay! Ano ba 'yan, teh!?" Reklamo ni Anne.

"Dahan-dahan lang, pre." Ani Paul.

Sinubukan ko ulit mag dahan-dahan. This time, napaandar ko na ang kotse pero sobrang bagal naman, as in. At hindi pa kami nakalalayo ng dalawang metro ay huminto ang kotse dahil tila ba may nakaharang sa kalsada na bumangga sa gulong.

"Ano 'yon?" Kabadong tanong ni Gia.

"Gago, baka may nasagasaan ka na ha." Kinakabahan na rin si Anne.

"Wala, wala namang dumadaan eh. Tsaka sa bagal natin na 'yon may masasagasaan ba ako? Baka kahit langgam nakatawid na bago pa ako makadaan eh." Sagot ko naman.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon