Chapter 19
"Kilala mo si tito, mahal?" Mahinang tanong ni Izzy sa akin.
Tumango ako. "Isa sa mga naging driver namin si kuya Dani dati." Nilingon ko ulit si kuya Danilo. "Long time no see, kuya! Ilang taon na rin po nung huli tayong nag kita ah." Buong ngiti kong bati ulit sa kaniya. Nginitian niya rin ako pabalik tsaka nakipag kamay at mabilisang yakap.
"Pogi pa rin ah," komento niya. "Grabe, hindi ko akalaing ikaw pala yung boyfriend ni Izzy."
Mahina akong tumawa. "Ako nga rin po eh, hindi ko rin po inasahang makita kayo dito. Small world po."
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Pasensya ka na, hindi kita masyadong namukhaan kanina. Grabe kasi ang ginuwapo mo ngayon."
"Naku, 'to naman si kuya Dani. Maliit na bagay, charot!" Biro ko. Napuno tuloy ng mahinang halakhak ang buong kwarto.
"Siya nga pala, eto si Zack, unico hijo ko." Turo niya sa bestfriend ni Izzy.
Parehas naming nginitian ang isa't isa. Lumapit ako sa kaniya para makipag kamay.
"Hello! Stell," pagpapakilala ko.
"Hello. Zack na lang. Upo kayo, baka nangangawit na kayo." Tugon niya.
Kuya Dani gave us separate chairs and there we both sat. Kumuha na rin siya ng silya at doon naupo.
"Pasensya nga pala, eh medyo nahihiya kasi ako dito kina Stell. Biglaan kasi akong umalis noon sa pagiging driver nila." Panimula ni kuya Dani. Unti-unting nawala ang ngiti niya tsaka siya bumuga ng hangin. "Tinutukan ko kasi si Zack noon, hanggang ngayon. Kaya ayun, kinailangang umalis sa trabaho." Kwento pa niya.
Tumango kami.
"Kamusta naman po pala kayo ngayon? May pinagkakakitaan naman po kayo?" Tanong ko.
Tumango siya. "Sa awa ng Diyos, bukas pa rin yung Lomihan namin sa palengke. Sinubukan ko na rin yung online selling na 'yan, yung reselling ba? Para may extra income. Minsan namamasada na rin ako pero mabilisan lang. Wala kasing magbabantay dito kay Zack. Ayun, maayos naman. Kahit papaano, natutustusan yung mga bayarin."
Tumango rin ako. "Mabuti naman po kung ganon."
Ngumiti siya ulit. "Ay nako, pasensya na, nakisingit pa ako. Sige na, mag kwentuhan na kayo. Zack, anak, si Stell, mabait na bata 'to. Nako, ang swerte ni Izzy. Syempre swerte rin naman si Stell kay Izzy. Worth it ang pagsugal sa relasyon, hano?" Tumatawa nitong sabi.
"Syempre naman, kuya. Pinaghirapan ko 'to eh." Inakbayan ko si Izzy at ginaplos sa braso. "Mas importante pa sa kahit anong awards at nominations." Tukoy ko sa kaniya.
Nahihiyang ngumiti si Izzy, yumuko pa siya para itago ang mukha. Napansin ko naman si Zack na nakangiti rin habang nakatingin sa amin. Sumulyap ako sa kaniya para ngitian siya. Napansin ko ang pag lawak ng ngiti niya, bumuga rin siya ng hangin na para bang nabunutan ng tinik.
"Siya nga pala, ito si Zack, nag iisang anak ko. Magkaibigan na 'yan sila ni Izzy nung college pa lang sila kaya close na close." Pagpapakilala ni kiya Dani.
Tumango ako. "Hmm, sabi nga rin po ni Izzy sa 'kin."
"Ay, teka sandali lang. May ipinapabili nga pala yung nurse kanina. Maiwan ko muna kayo." Paalam niya.
Tumango kaming tatlo at pinanood na umalis si kuya Dani. Napuno ng katahimikan ang kwarto nang makaalis na siya.
"Kumusta?" Basag ni Zack sa katahimikan.
Izzy smiled. "Ayos lang kami. Ikaw nga dapat yung kinukumusta namin eh."
"Ayos lang ako. Ganun pa rin." Nilingon niya 'ko. "Stell, nice to meet you. Hindi ko ine-expect na may sikat na bibisita sa 'kin dito." Biro niya.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
Hayran KurguThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.