CHAPTER 53

768 18 29
                                    

Chapter 53

"Mahal, Izzy," napalitan ng pag aalala ang pagkagulat sa mukha niya. Agad din siyang umalalay sa katawan ko.

"S-Stell, nahihilo ako." Bulong ko.

"Maupo ka muna. Kumalma ka, kalma."

Pinaupo niya ulit ako sa tabi niya at hinayaang nakasubsob ang noo ko sa dibdib niya habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Gulat lang ang makikita kay mama samantalang si papa ay mukhang nag aalala na rin.

"Water," alok ng abogado ni Stell.

"Thank you po." Inabot iyon sa akin ni Stell. "Mahal, inom ka muna. Kumalma ka, hm?"

"Let's go, umuwi na tayo. I don't want to stay here any longer. Uwi na tayo." Aya ko sa kaniya habang naiiyak na. Pumikit ulit ako, my head suddenly hurt.

I gripped onto Stell's shirt while he didn't know what to do.

Pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kaniya para tingnan siya. "Hindi ka makukulong, ha? Hindi pwede. We need you."

He nodded. "Hindi..."

"I think we should reschedule the meeting," my parents' lawyer suggested.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tila ba nawalan na ako ng pandinig. Unti-unti na rin akong nanlambot at sa tingin ko ay napansin iyon ni Stell.

"Mahal?" Mahina niya akong niyugyog. "Mahal,"

The last thing I knew was Stell calling me before I blacked out.

...

Stell's POV

Sinalo ko agad si Izzy gamit ang braso ko nang maramdaman ko ang pagbigat ng katawan niya. Sinubukan ko pa siyang tawagin at gisingin muli pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Panay ang malakas at mabilis na kabog sa dibdib ko dahil sa kaba at takot na baka may nangyari nang kung ano sa kanila ng anak namin. Ni-hindi na nga ako nakapag react agad kanina nang sabihin niyang buntis siya dahil sa sitwasyon.

Dahil sa sobrang pag aalala ay agad kong kinarga si Zy palabas doon. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni attorney Delos Santos. Nagpasalamat lang ako sa kaniya bago ako dumiretso sa kotse at isinakay sa shotgun seat si Zy. Sinuotan ko rin siya ng seatbelt para safe.

Dali-dali akong pumunta sa driver's seat at nagmaneho habang paminsan-minsang sumusulyap sa kaniya. Sa sobrang aligaga ko ay ospital agad ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko rin alam. Siguro dahil ngayon ko lang naranasan ang ganitong bagay dahil hindi ko naman naranasan ito nung ipinagbubuntis niya si Nowy.

Gusto kong maarinig mula mismo sa mga doktor na ayos lang ang mag ina ko.

Wala na akong pakialam kung may mga nakakakilala sa 'kin nang dalhin ko si Zy sa emergency room. Basta ang nasa isip ko lang ay masigurong ligtas siya at ang anak namin.

"Buntis siya, nawalan siya bigla ng malay eh. H-Hindi ko alam kung anong gagawin. Sabi niya nahihilo daw siya bago siya mawalan ng malay." Paliwanag ko sa nurse. Halos hindi na nga ako makapag isip nang maayos dahil sa pag papanic.

"Kumalma po kayo, sir. Kami na po muna ang bahala kay misis." Anang isang nurse.

Tumango ako at sinundan lang ng tingin ang mga nurse habang tulak ang hospital bed kung saan nakahiga ang walang malay na si Zy. Bumuga ako ng hangin at hinilamos ang kamay sa mukha at pinadaan ang mga daliri sa buhok. Pabalik-balik akong naglalakad sa isang direksyon dahil hindi ako mapakali.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon