CHAPTER 10

739 29 69
                                    

Chapter 10

Stell's POV

Izzy
Ingat kayo! Sorry ulit ah dami kasing ginagawa sa work eh. Bawi ako next time.

Napabuga na lang ako ng hangin matapos basahin ang chat ni Izzy. Three hours. It took her three hours to reply. I mean, hindi naman 'yon big deal dahil may kanya kanya pa rin naman kaming buhay at priorities pero... nakakapanibago lang.

Dati kasi sobrang bilis niya mag reply. Minsan nga ilang segundo pa lang ang nakalilipas matapos akong mag chat ay typing na agad siya. Pero ngayon, wala, madalang na lang.

Unlike before, we seldom talk and see each other in person now. Tuwing kinakamusta ko siya ag matagal siya mag reply, kaya hindi na rin ako madalas mag chat sa kaniya kahit na kakamustahin ko lang naman siya. Baka kasi may ginagawa siyang importante. Tuwing inaaya naman namin siya nila Xi na gumala, busy rin daw sa trabaho. Gusto ko nga sana siyang bisitahin sa condo niya pero hindi ko na rin naman mabanggit dahil ayaw kong maka istorbo.

Nakakapanibago, naninibago ako kay Zy, hindi ako sanay na ganito siya. I'm not complaining, sadyang naninibago lang talaga ako... Miss ko na siya, namin.

Hindi rin ako nakaligtas sa pag o-overthink dahil minsan ay bigla na lang pumapasok sa isip ko ang mga bagay na pwedeng nangyayari ngayon na wala akong kaalam-alam.

What if may manliligaw na pala si Zy na gusto niya rin kaya siya umiiwas sa amin? Sa akin? What if... What if may boyfriend na siya? What if naunahan na pala ako? What if?!

Hay! Ewan ko na. Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos. Hindi ko alam kung paano ako makaka porma, kung anong dapat kong gawin para mapuntahan siya o makamusta man lang ulit sa personal.

Ang gulo! Ang hirap pala manligaw. Nakakainis ka, Stellvester. Ang galing galing mo magsalita sa harap ng camera, pagdating naman sa babae, tiklop ka na. Tsk. Mahinang nilalang.

...

Izzy's POV

Matagal kong tinitigan ang chat ni Stell sa akin tsaka ako huminga ng malalim. I've been trying to ignore their invites for weeks. Nililimitahan ko na nga rin ang sarili ko sa pag cha-chat sa kaniya. Pati nga pag re-reply ay tinagalan ko na rin.

Nagi-guilty na ako dahil sa ginagawa ko. Minsan nga ay pati si Xi ay inaaya na rin akong gumala pero tumatanggi na rin ako dahil alam kong kasama si Stell.

Basically, I just kinda took a few steps away from them, from him. Just to keep my feelings from going too deep, to try to stop these emotions without cutting off our friendship. Hindi naman sa ayaw ko silang kasama, ginagawa ko lang naman din 'to para protektahan ang sarili ko. Kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kanila dahil doon naman kami nagsimula, kailangan ko lang talagang pigilan ang sarili ko dahil ayaw kong mag cause ng awkwardness sa amin.

I don't want to risk our friendship sa walang kasiguraduhang feelings. I want to keep our relationship this way. Dahil wala namang kasiguraduhan kung magiging ganito pa ba kami ka-close once nalaman niya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayaw kong lumayo ang loob namin sa isa't isa. Kaya mas pipiliin ko na lang na maging friends lang kami.

But... I don't know. The more that I step away, the more that I think about him. Oo, hindi nga kami madalas magkasama ngayon 'di tulad dati. Pero madalas naman siyang bumibisita sa isip ko ngayon. Napapatanong na lang ako minsan sa sarili ko kung kamusta na siya, kung kumain na ba siya, kung kamusta yung schedule niya, kung nakakapag pahinga ba siya ng maayos, kung okay lang ba siya.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon