Chapter 38
Kung malaking challenge na para sa akin ang pagbubuntis, paglalabor, at panganganak mag isa, isang malaking challenge din pala ang pagpapagaling.
I was discharged two days ago. And since then, nagsimula na naman ang another challenge sa buhay ko. Ang hirap pala talaga pag mag isa lang, literal.
Since wala naman akong ibang kasama, kailangan kong magtiis. Dahil sa low pain tolerance ko, naging mahirap sa akin ang mga gawaing bahay at gawaing nanay. Wala namang maglilinis, magluluto, at mag aasikaso kay Snow kundi ako lang. Ako lahat ang gumagawa. Kaya kahit na masakit at mahapdi pa ang sugat ko tuwing gumagalaw ako ay tinitiis ko na lang.
It's so hard to manage everything at once. Mag isa lang ako pero doble o tripleng trabaho pa ang kailangan kong gawin. I have to breastfeed Nowy, change her diapers, bathe her, and I also have to clean the house and cook for myself. I couldn't even find time for myself. Kaya at the end of the day, pagod na pagod ako.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng tunog mula kay Snow. I checked her immediately to see what's wrong, only to find out that I need to change her diaper again. Nag hikab muna ako bago bumangon, it's only two in the morning. Ilang oras pa lang ang tulog ko.
Binuksan ko ang lamp shade sa gilid ng kama at sinimulan na siyang linisan at palitan ng diaper. Halos hindi ko na magawang buksan ng maigi ang mga mata ko dahil sa antok. Sunod-sunod na araw na akong pagod at puyat. Mula nung nanganak ako, wala pa akong maayos na tulog at pahinga.
Bukod sa gumigising ako ng madaling araw para padedein siya ay alerto rin ako dahil natatakot akong madaganan ko siya o kung ano man. Hindi pa kasi ako nakakabili ng kuna dahil hindi ko alam kung saan ko ilalagay dito. Maliit lang kasi ang space.
That's why I'm also considering going back to my condo. Atleast doon, medyo maluwag, may aircon, at may maayos na tutulugan pa si ate Minda once na pumunta na siya dito. Naaawa na rin kasi ako kay Nowy dahil mainit dito at tanging electric fan lang ang gamit namin.
Iyon nga lang, nagdadalawang isip pa rin ako dahil bukod sa baka bigla akong puntahan doon ni mama ay baka matunton din ako doon ni Stell. Last time kasi hinahanap niya ako kay Tony.
Hay. Nagsisimula pa lang ako sa pagiging ina pero sobra sobra na ang pagod ko. Being a mom is so exhausting, physically and mentally. Bago sa akin ang pagiging ina, I'm still learning. May mga bagay pa akong hindi alam na siguro naman ay malalaman ko rin along the way.
Matapos ko siyang linisan ay pinadede ko naman siya. Ilang beses na akong muntik makatulog habang dumedede siya. My eyes kept closing, my head kept falling. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at pilit na pinalaki ang mga mata para magising, tiningnan ko na lang si Nowy.
She's still suckling while her eyes are moving close and open. Her tiny hand is placed on the side of my boob. I smiled and fixed the little strands of her hair. Nowy never fails to make me smile.
"Pasensya na sa istorbo ha. May mga nakarating kasi sa akin na complaints galing sa ibang nakatira dito. Alam naman namin yung sitwasyon mo pero kino-consider ko lang din naman yung opinyon ng ibang nakatira dito para hindi unfair." Panimula ng landlord namin dito. She suddenly wanted to talk to me.
Tumango ako. "Ayos lang po."
Tumango rin siya. "May ilang nag ko-complain kasi sa, uhh, iyak ng bata tuwing gabi o madaling araw o kaya umagang umaga. Eh may mga nakatira rin kasi dito na estudyante, nagtatrabaho sa call center. Eh syempre, gusto lang din nilang magpahinga ng maayos." Paliwanag niya sa mabait na pakikitungo.
I nodded. "Naiintindihan ko po, pasensya na po sa abala. Hindi ko rin naman po kasi makokontrol yung pag iyak nung bata eh." Sagot ko naman sa magalang na tono.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.