Chapter 46
Izzy's POV
Mula noong nawala sa tabi ko si Nowy, parang nawala na rin ako sa sarili. I can't explain the pain and extreme sorrow that I'm feeling right now. I couldn't find the right words to describe my longing for my daughter– to feel her, to touch her, to stare at her the whole day.
It's not even a week, it's just been a couple of days since I had her, and now I already lost her. Nagsisimula pa lang akong masanay sa pagiging ina ay nawala na agad ang anak ko. Ngayon, hindi naman ako sanay na wala siya sa tabi ko.
The day that I left her, I bawled my eyes out. I cried nonstop for the whole day that my eyes got swollen the next day. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'kin. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Tila ba naging gripo ang mga mata ko sa tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko na walang tigil.
Hindi pa naubos ang mga luha ko sa loob ng araw na 'yon dahil araw-araw kong dinamdam ang pagkawalay sa 'kin ni Nowy. Minsan ay kusa na lang humehele ang katawan ko hanggang sa mapagtanto ko na wala namang laman ang mga bisig ko.
I cried and cried. I cried my heart out.
Isang madaling araw, napabalikwas na lang ako ng gising. I need to check Nowy's diaper and change it if it's used already. But when I look at the other side of the bed, there's no Nowy sleeping beside me.
And I ended up crying, again.
Hindi lang isa, dalawa, o tatlong beses nangyari ang mga 'yon sa akin kundi marami. I always do the things that I usually do when Nowy was still with me and after realizing what I just did, I always end up crying.
Inaamoy at niyayakap ko na lang ang mga naiwang gamit ni Nowy sa akin, umaasa na makakatulong iyon na mapawi ang pangungulila ko kay Nowy kahit kaunti. Pero mas lalo ko lang siyang namimiss.
Hindi ko pala kaya na malayo siya sa 'kin... Pero hindi ko rin naman kayang ipilit ang sarili ko sa role na hindi ko naman kayang gampanan.
Nawalan ako ng gana sa lahat. Nawalan ng liwanag ang buhay ko. Hindi ko magawang kumain. Hindi ako nakakatulog nang maayos. Nawalan ako ng ganang makipag usap sa mga tao. Ni-hindi nga rin ako lumalabas sa apartment ko. Napabayaan ko na ang sarili ko.
It felt like I was just breathing because my organs are still functioning. But inside? I'm dead. At pag sinukuan na rin ako ng sarili kong katawan, mawawala na lang ako ng dahan-dahan...
There was one time that I was just staring at Nowy's photos while smiling bitterly and crying silently at the same time. Naninikip ang dibdib ko, sumasakit ang puso ko sa tuwing pumapasok siya sa isip ko.
All of the pain that I've experienced before was nothing compared to this kind of pain that I'm experiencing right now. My split with Stell, my parents' relationship with me, my failures on my job, me being disowned by my own mom, my ate's death, my whole pregnancy journey, everything just got piled up and I'm aching really bad.
Napabayaan ko na ang sarili ko, ang kalusugan ko. Hindi ko na rin nagawang pumasok sa trabaho. My apartment is a mess. And I don't have anyone to talk with, to share my battles with.
I'm all alone in this cruel world.
It took me a month to wake up to reality and realize what's going on with me. Pumasok sa isip ko na humingi ng professional help, but I was too lazy and I lack of motivation to do so. Kaya ilang araw din akong nag contemplate hanggang sa isang araw ay nagising na lang ako na may kakaunting enerhiya para simulan ang araw ko.
I took a bath and dressed myself up. Nang makapasok na ako sa kotse ay tumulala ako sa kawalan at inisip ang mga desisyon ko. Tutuloy pa ba ako?
I know I'm not okay, but I'm still having second thoughts. Hindi ako sanay na humihingi ng tulong sa kahit na sino hangga't kaya ko pa namang harapin ang mga problema ko mag isa.
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.