CHAPTER 24

699 17 39
                                    

Chapter 24

"Designer! Yung designer daw? Miss Izzy!"

My eyes widened and my thoughts were cut when I heard my name. I immediately went to those people who's calling me.

"Nasira yung nakalagay sa sapatos. May extra ba tayo diyan?" Tanong sa 'kin ng direktor.

"Kaya mo pa ba mag sayaw?" Rinig kong tanong ng medic doon sa dancer, nagasgasan ata siya sa tuhod.

"Uhm, wala na po eh. Pero may mga dala po akong gamit, baka po maayos ko pa." Sagot ko.

The director asked the girl who's name is Gia to give me her shoe so I could fix it. He took a sharp glance at me before handing me the shoe. That got me confused but I didn't mind it. Inaano ko ba siya?

I took a good look at the shoe first before concluding.

"Natatanggal na po yung suwelas tsaka may part po na nawawala. Kailangan pong mapalitan. Hindi rin po kasi ganon kadikit yung shoe glue tsaka maghihintay pa rin po tayo ng ilang oras para masigurong nakadikit talaga ng maayos. Kaya mas okay po kung bibili na lang ng bago." Saad ko.

"May dala ka ba or saan makakakita no'n?"

"Sorry po, pero wala po eh. Bibili na lang po ng bagong sapatos tapos mamadaliin ko na lang po yung design. Diyan lang po sa mga shop or sa palengke, meron po doon."

The director nodded. "Okay, sinong bibili?"

"Ako na po para hindi na po mahirapang mag hanap." presinta ko.

"Okay. Gia, dito ka muna, pahinga ka muna saglit habang inaayos pa yung sapatos mo. Magpalitan na lang kayo ng contacts since ikaw yung kailangang kausapin ni Izzy habang bumibili siya."

We both nodded. Nang umalis na ang direktor ay hiningi ko naman ang number niya.

"Ano yung number mo?" Magalang kong tanong.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso. Imbis na magsalita ay hinablot niya sa 'kin ang phone ko tsaka siya nag type. Hindi na ako nakapag salita dahil sa inasta niya.

"Uhm, s-sige. Mauna na 'ko."

Hindi na siya nagsalita kaya umalis na ako. Why does she look at me that way? Hindi ko naman siya inaano.

"Saan ka pupunta?"

Nagulat ako nang marinig si Stell.

"Sa palengke lang, hahanap ng sapatos para kay, uhm, Gia."

He nodded. "Mag isa ka lang?"

"Oo,"

"Sige, ingat ka ha? Uminom ka ng tubig, mainit."

I smiled. "Sige, alis na 'ko para matapos din agad."

He nodded and gripped my arm, telling me to take care. I waved goodbye at him before walking again. Bago ako lumakad ng diretso ay nasalubong pa ng paningin ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa amin. It was Gia.

Umiwas na lang ako ng tingin at nag dire-diretso na. Is she suspecting us? Kaya ba parang ang sama ng tingin niya sa 'kin?

Even so, it's still rude to look at someone that sharp. Lalo na kung ngayon mo pa lang naman nakilala. Isa pa, hindi rin maayos ang pakikitungo niya sa 'kin kanina. What's her problem? Ni-hindi nga kami magkakilala o nag uusap madalas para tarayan niya ako.

Napakainit nang nakarating na ako sa palengke. Hindi pa sapat ang salitang mainit para i-describe kung gaano kainit dito. Tuloy-tuloy ang pag agos ng pawis sa noo at leeg oo, basa na rin ang bimpo ko. Maya't maya akong nagpupunas ng pawis at umiinom ng tubig na malapit na rin maubos. Mas lalong nananakit ang ulo at puson ko dahil sa init.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon