Chapter 56
I woke up without Stell and Nowy on the bed. Kumunot tuloy ang noo ko dahil sa pagtataka. Bababa pa lang sana ako sa kama nang bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto, doon ko nakitang pumasok ang mag ama ko habang may kanya-kanyang bitbit na pagkain.
May hawak si Nowy na isang baso ng gatas gamit ang dalawa niyang kamay. Si Stell naman ay may bitbit na tray na may lamang mga pagkain at prutas.
"Good morning, mama!" Masiglang bati sa 'kin ni Nowy habang naglalakad palapit. "Milk niyo po ni baby, mama." She said cutely while handling me the glass of milk.
I smiled. "Aww, thank you, baby."
She just smiled and giggled.
Nang lingunin ko naman si Stell ay nakangiti rin siya. Naglatag siya ng maliit na tela sa kama at doon ipinatong ang tray. Umakyat naman na si Nowy sa kama at tumabi sa akin.
"Breakfast in bed!" Excited na wika ni Nowy.
I chuckled. "Bakit may pa-ganito kayo ni papa, ha? Anong meron? Did I forget something? Anong date ba ngayon?" Sunod-sunod kong tanong.
"Wala naman. Gusto ka lang naming i-surprise ni Nowy." Sagot ni Stell. "Sabi mo kasi kahapon, nag ca-crave ka sa usual Filipino breakfast kaya maaga akong gumising para magluto. Dapat nga kayong dalawa ni Nowy ang isu-surprise ko kaya lang nagising na rin siya kaya dinamay ko na siya." Kwento niya.
My smile widened. Ang mag ama ko nga naman, napaka sweet at thoughtful.
Isa-isa niyang tinuro ang mga pagkaing hinanda niya. "Eto, fried rice, tocino, longganisa, hotdog, sunny side up, binabad, tsaka nagluto na rin ako ng spam kasi parang cravings mo ata yun lately. Naglagay na rin pala ako ng kamatis, baka sakaling gusto mo lang naman. Prutas din, magkakahalo na 'yan, lahat ng gusto mo. Tapos 'yan, gatas mo."
Nang maupo siya sa tabi ko ay yumakap ako sa bewang niya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Thank you, love." I said with a big smile. Nilingon ko si Nowy at maingat na hinatak palapit sa 'kin tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. "Thank you rin, baby ko."
We happily ate our breakfast together. Mula noong naging maayos na ang lahat, nag tuloy-tuloy na rin ang pagiging masaya naming pamilya. All the major problems we have faced are over. Stell also introduced us to everyone. Just like what Stell promised to me before, a complete and happy family.
Kinagabihan ay napansin ko ang mag ama na nag uusap sa sala. Kumunot ang noo ko dahil mahina ang boses nila, tila nagbubulungan. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila? I went back inside the room quietly to not disturb them. Must be a father and daughter stuff.
The next day, I woke up feeling nauseous. Sa banyo na naman tuloy ang unang destinasyon ko. I heard Stell rushing to follow me from behind. At habang sumusuka ako sa lababo ay nakahawak naman si Stell sa may kaiksian kong buhok habang marahang hinahaplos ang likod ko.
I feel sick but I also can't help but to feel lucky and happy. Hindi ko kasi ito naranasan noong pinagbubuntis ko si Nowy kaya masaya ako dahil ngayon ay kasama ko na siya sa lahat.
Inalalayan niya 'ko hanggang sa makarating na kami sa sofa dahil nanginginig ang mga tuhod ko sa panghihina. Yumakap ako sa bewang niya at pinaikot naman niya ang braso niya sa likod ko.
"Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
Umiling ako. "Gusto ko pang matulog..." Bulong ko.
"Tulog ka pa ulit sa kwarto."
"Gusto ko dito."
"Sige, buksan ko lang yung aircon."
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
ФанфикThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.