Chapter 47
Kinagabihan, madilim na sa labas nang magising ako. Naabutan ko si Stell na tagaktak ang pawis habang nagluluto. Nakatapat kasi sa 'kin ang electricfan at medyo kulob dito. Namiss ko ang ganito naming gawain noon.
I fell asleep in his arms earlier after a couple of rounds of making love with him. I was so exhausted that I fell asleep fast. Kaya naman balot ng kumot ang hubad kong katawan ngayon.
Stell is still wearing his clothes that he used earlier except for his pants. He's only wearing his shirt and boxers. A naughty smile crept to my lips as I looked at his back. Sobrang sexy niya talaga. Even sexier than before.
Pinatay na niya ang kalan at pinatong sa maliit na mesa ang plato na may lamang tocino, iyon siguro ang nahanap niya sa cooler. Nang mapatingin siya sa 'kin ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya.
"Gising ka na pala. Sakto, nakapag luto na 'ko. Luto na rin yung sinaing. Nagugutom ka na ba?" Tanong niya.
I smiled at him and admired his face. Pumasok na lang bigla sa isip ko ang mga memory namin na magkasama at ganito rin ang bumubungad sa 'kin minsan tuwing gigising ako.
"Hmm, gutom na 'ko." Sagot ko.
Maliit siyang ngumiti. "Sige, ire-ready ko na yung mesa. Kinuhanan na pala kita ng damit sa cabinet mo. Nandiyan na sa kama."
My smile widened. "Thank you."
Matapos kong magbihis ay tapos na rin siya sa pag aayos ng mesa kaya nagsimula na kaming kumain. We were just talking about random stuffs while eating, just like what we used to do before.
Pagkatapos ay ako na ang naghugas ng mga ginamit namin. Habang binabanlawan ang mga sinabunan ko ay naramdaman ko na lang ang pag ikot ng braso niya sa tiyan ko. Ipinatong niya rin ang baba niya sa kaliwa kong balikat. Napangiti naman agad ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala lang. Namiss lang kita. Namiss ko lang yung ganito tayo." Bulong niya sa medyo garalgal na boses.
"Ako rin." Pagsang-ayon ko.
He kissed my cheek. "Pwede ko bang gamitin yung banyo? Shower lang sana ako. Nanlalagkit na kasi ako."
"Oo naman. You can use my towel, may mga gamit na rin naman doon sa banyo. Don't worry about your clothes, nandito pa sa 'kin yung nga gamit mo noon na naiwan sa condo ko. Ilalabas ko na lang pagkatapos ko dito. Sige na, shower ka na, susunod ako sa'yo." I told him.
"Sige, thank you." Humalik pa ulit siya sa pisngi ko bago siya bumitiw sa yakap.
And just like what I said, I prepared his clothes after washing the dishes while he was still inside the bathroom. At pagkatapos niya ay ako naman ang gumamit ng banyo.
The bed was too small for us to sleep comfortably so we ended up sleeping on the floor instead. Nilatag na lang namin ang mabilis na kutson at tela at doon kami nahiga ng magkatabi.
"Sigurado ka bang okay ka lang matulog sa sahig?" Tanong niya sa 'kin.
I nodded. "Oo naman. Ikaw ba?"
Tumango din siya. "Naman. Kahit saan, basta katabi kita." Sambit niya sabay ngisi at taas ng isang kilay.
Mahina na lang akong natawa tsaka umiling. I also missed his humor. But I missed him more.
Nakaunan ulit ako sa braso niya at nakapatong ang braso ko sa tiyan niya. Gamit naman niya ang phone niya kaya nakikinood lang ako sa ginagawa niya.
"Wala ka bang gagawin bukas?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.