Chapter 40
Xi-Anne's POV
Magkasunod kaming bumaba ni Mima James sa van para puntahan iyong apartment na nahanap namin. After almost a month, nagawa naming matrace ang apartment kung saan tumutuloy dati si Izzy, na umaasa kaming hanggang ngayon ay narito pa rin sana siya.
Hindi pwedeng lumabas ang pangalan ng lima sa ganitong case kaya kami na ang nag handle para kay Stell. Malaking bagay 'to para sa kaniya kaya bukal din sa loob namin ang ginagawa naming pagtulong. Isa pa, para na rin dun sa bata.
Kumatok kami sa pinto ng isang kwarto na sa tingin namin ay may tao.
"Tao po?" Kumatok pa ulit ako ng tatlong beses.
Nang bumukas na ang pinto ay bumungad sa amjn ang isang babaeng mukhang college student. Nagtataka niya kaming tiningnan ni mima. Gumilid naman kami sa pinto at nginitian siya. Kumaway pa ang kasama ko gamit ang mga daliri niya.
"Hi!" Bati ni mima James.
"Hello, good morning." Bati ko rin.
"Hello po. Sino po sila?" Tanong niya.
Nagkatinginan kami ni mima, sinenyasan niya 'ko na ako na lang daw ang mag sabi. Ano pa nga ba'ng magagawa ko?
"Uhm, hello, good morning. May gusto lang sana kaming itanong."
"Sige po. Ano po 'yon?" Magalang niyang sagot.
"May nakatira ba dito na Izzy Dizon by any chance? Baka kakilala mo lang siya." Tanong ko.
Kapansin-pansin ang pag iiba ng ekspresyon niya. "Si ate Izzy? Opo, meron po, kapitbahay ko po siya dati. Bakit po?"
Tumango kami ni mima. Humawak pa siya sa braso ko na parang excited.
"Ahh, mga kaibigan niya kasi kami. Nag aalala na kasi kami sa kaniya, ang tagal na namin siyang hindi nakikita tsaka hindi makontak. Eh may nakapag sabi sa amin na dito daw siya tumutuloy. Nandito pa ba siya?" Paliwanag ko.
"Ah, yun lang po, wala na po dito si ate. Isang araw po kasi bigla na lang siyang umalis tapos hanggang ngayon, hindi na po bumalik. Nagulat nga rin po ako kasi hindi man lang niya po ako nasabihan." Halata sa boses niya ang lungkot o pagtatampo.
Tumango kami pareho at bumagsak ang mga balikat. Mukhang dead end 'to ah. "Ahh,"
"Matagal na siya dito?" Si Mima naman ang nagtanong.
"Medyo po, almost a year po siguro. Mula po kasi nung nagbuntis siya hanggang sa manganak siya, dito siya nakatira."
"Mag isa lang siya dito?" Tanong ko.
Tumango siya. "Opo,"
Nagkatinginan ulit kami ni mima, parehas kaming gulat at naaawa ang itsura para kay Zy. Mag isa lang pala niyang pinagdaanan ang lahat. Nakakaawa naman siya kung ganun. Ang hirap pa naman mag buntis.
"Wala ba siyang nabanggit about sa partner niya or sa papa nung baby?" Tanong ulit ni mima.
Umiling naman si ate. "Wala po eh. Tsaka po iniiwasan ko rin pong i-open yung topic na yun kasi alam ko pong sensitive topic. Hindi rin naman po kami ganun ka-close para magtanong ng private information niya." Paliwanag nito.
Parehas kaming tumango ng katabi ko
"Besties ba kayo?" Tanong pa ni mima.
"Ahh, medyo po." Nahihiya siyang tumawa. "Sakto lang po. Minsan po nag dadaldalan kami, minsan sinasamahan ko po siyang bumili sa mall or sa palengke."
BINABASA MO ANG
ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]
FanfictionThe kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.