CHAPTER 39

628 22 31
                                    

Chapter 39

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa papel na hawak ko. Kanina pa nag sink in sa utak ko ang impormasyong nabasa ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paulit-ulit ko pa ring binabasa ang nilalaman nito sa pag asang magising ako sa katotohanan.

May anak ako? May anak kami ni Zy?

Tatay na ako... Magulang na ako...

Binitiwan ko ang papel na hawak ko at inalis sng mask ko. Maingat kong hinawakan ang mukha ng sanggol na gising pa rin hanggang ngayon. Kaya pala... Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa'yo mula pa kanina. Kaya pala may kakaiba akong nararamdaman sa'yo. Kasi kadugo kita, anak kita, anak pala kita… Ang tibok ng puso ko kanina, iyon pala ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

May munting saya na nabuhay sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil halo-halo na ang emosyon ko. Pero nanatili pa rin ang sandamakmak na tanong sa isip ko. Naguguluhan pa rin ako sa maraming bagay.

Kinuha ko ulit ang envelope at tiningnan kung may papeles pang naiwan doon. Isang papel na nakatupi ang bumungad sa akin. I cleared my throat as I remembered the last time that Zy left me a letter on her condo. That letter made me tear up for days.

Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba habang dahan-dahang binubuksan ang sulat. Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon tuluyang binasa.

Stell,

First of all, I apologize again for talking to you in this way. It's been a while, I hope you're doing good. You must be surprised by the news, I guess. I'm sorry for shocking you with this big news, also for this suddenly big responsibility.

Nung mga panahong magkalayo tayo, may nabubuo nang buhay sa sinapupunan ko. A tiny living that connects both of us. And that was Snow. Believe me, I badly wanted to tell you about our daughter right after I knew about my pregnancy, pero hindi ko na nagawa noon dahil napangunahan ako ng takot na baka hindi mo siya matanggap o kaya ay maging pabigat lang kami sa'yo dahil sa gulo na nangyari sa pagitan natin. Ayaw ko namang mag mukhang ginagamit ko si Nowy para magkasama ulit tayo kahit na hindi ka pa okay, kahit na nasasaktan ka pa rin tuwing nakikita at kasama mo ako. Bukod pa do'n, alam ko rin na marami kang kinakaharap sa lahat, sa trabaho at sa iba pang bagay, at ayaw ko nang dumagdag.

Pasensya na kung wrong timing, pero wala na talaga akong maisip na tao na pwedeng mag mahal, kumupkop, at tumanggap kay Nowy kundi ikaw lang. Wala na akong ibang maaasahan pa kaya kahit na alam kong hindi maganda ang naging huli nating pagkikita, ikaw na lang ang nag iisang pumasok sa isip ko. Bilang papa ni Nowy na sariling dugo at laman mo rin, umaasa ako na sana ay maintindihan mo ang sitwasyon at magawa mo siyang tanggapin. Sana rin magawa mo akong patawarin dahil sa pagtatago ko sa kaniya mula sa'yo. Kung hindi man sa ngayon, sana balang araw.

I'm doing this not to burden you, but because I trust you that you can be a good father to our daughter. I am not capable of being a mother, Stell. I don't deserve to be a parent. I once put Nowy in danger because of my stupidity and I almost didn't want to touch her because of the fear that I might end up doing something bad again. Muntik ko nang mapatay ang anak natin dahil sa katangahan ko, at ayaw ko na 'yong mangyari pa ulit. Natatakot ako na baka pag nanatili pa sa 'kin si Nowy ay may mangyari pang mas malala, hindi ko na kakayanin yun. Kaya kahit na mahirap, kahit na masakit dahil mapapalayo ako sa kaniya, ipagkakatiwala ko sa'yo ang anak natin. Malaki at buo ang tiwala ko sa'yo na hindi mo siya maipapahamak, hindi tulad ko. It would be better if she's away from me.

I'm sorry again for this sudden big responsibility, but please, please understand me, sana intindihin mo pa rin ulit ako kahit nakakasawa na. Alam ko na tapos na tayo pero wala na talaga akong ibang mapagkakatiwalaan bukod sa'yo. Please take care of her, Stell. Please love her wholeheartedly. She deserves everything, she deserves the world. She became my life. Alam ko naman na maibibigay mo sa kaniya ang lahat ng pangangailangan niya. I won't demand for you to introduce me to her in the future, basta mahalin mo lang siya para sa 'kin, ayos na ako doon. Makita ko lang siya kahit sa malayo, makita ko lang na ayos lang siya, sapat na sa 'kin yun.

ImPerfection • SB19 Stell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon