Prolouge

1.4K 21 0
                                    

Prolouge (Wedding booth)

Umakyat ang amoy ng usok sa ilong ko papunta sa baga ko, bwiset. Araw araw na lang nakakasinghot nito, pati damit ko amoy usok na rin.

"Oh yun mayroon na" masayang sabi ng katabi kong dalawang babae.

Napatingin ako sa tinitignan nilang bus, papalapit na ito saamin kaya pumwesto ako para makipag unahan. Tiningnan ko rin ang wrist watch ko, takte 6am na. Kapag di ako nakipag unahan ngayon, malalate ako sa event!

Huminto ang bus sa harap ko, pandalas ng pag pasok ang mga lalaking walang hiya! Halos masubsob na ko sa samento kakatulak saakin. Shempre hindi ako papatalo no! Hinigit ko yung tumulak sakin palabas ng bus at dire-diretsong pumasok sa loob.

Akala mo ha

"Aray!" Rinig kong ani nito, pero bago pa man sya makapasok uli, tinapik ko si manong driver.

"Kuya, puno na oh. Larga na" sambit ko at hingal na hingal na naupo sa bakanteng upuan. Isa na lamang ang bakante at ako na ang naupo doon, napangiti ako nang paandarin na ni manong ang bus.

Ngayon ko lang napansin ang bus ni manong, wow, puno ito ng paper hearts. Tapos natatanaw ko pa ang banner na happy valentine's day sa unahan.

Valentine's day kasi ngayon, eh. Hindi pwedeng malate ako sa event namin, excited pa nga ako sa mga booths kahit na wala naman akong bf. Bakit ba. Minsan lang magsaya sa school namin kaya susulitin ko na. Mayroon din kaming color coding para sa damit.

Red sa mga taken, black broken, white study first, green ginanon lang, yellow umaasa, pink have a crush on someone, at ang panghuli brown single.

Nag suot ako ng color pink na damit, na medyo nag amoy usok na. Hays.

Pagdating ko sa school, lumapit agad ako kay Dos para sumagap ng balita. Nakasuot sya ng brown na damit. Abala sya sa pag proseso ng music booth, eto yung pwede kang mag request ng kanta. Kaso mahal ang singil, 20 pesos isang kanta.

"Dos, ano balita" bungad ko at pumasok sa booth at inilapag ang gamit sa silya.

"Gaga ka, nandoon sya. Hindi mo magugustuhan ang makikita mo" aniya, kumunot ang noo ko.

Kahit kailan ay hindi ko nalaman na nagka gf sya, or nagkaroon ng past relationship. Hindi naman sya mahilig doon! Ginugud time lang ata ako ni Dos e.

"Nakita ko sya kanina, mayroong hawak na bulaklak. Tapos yung suot na damit....." huminto sya at napabuntong hininga "hays! mag bounce kana kasi"

Nang sabihin yon ni Dos, malalim ang pinakawalan kong buntong hininga. Hinanap ko sya kahit na madaming tao dito sa field, lahat ng booth ay nasulyapan ko na, di ko parin sya mahanap.

"Yow Seven! Mamaya pa ang bukas nitong marriage booth namin, huwag kang excited" natatawak imik ni Rey habang kumakain ng chips.

Inirapan ko sya "May hinahanap kasi ako"

"Si Eros ba?" tanong nya kaya dali dali akong lumingon.

"Nakita mo sya?"

"Oo, pumasok sa music room e" aniya, lumabas ako ng marriage booth at tumakbo sa music room.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako naeexcite ngayong valentine's ay malaman kung ano nga ba talaga ang status ng crush ko.

Eh kasi naman! Hindi ko malaman laman kung may gusto ba syang iba, or ano. Bulok kasi ng mga spy ko sa kanya e, mali mali mga binabalita saakin. Pero ano kayang kulay ang suot nyang damit ngayon?

May narinig akong tugtog ng gitara sa music room, sumilip ako ng bahagya para tignan kung sino iyon. Sumilip lang ako ng kaunti kaya ulo nya lang ang naaaninag ko, hindi ako makasulyap ng maayos, takot mahuli e.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now