Chapter 28

104 1 0
                                    

Chapter 28 (The Past pt. 2)

Back to 2020, Continuation of Seven's life in his past.

Tama nga. Hindi lahat nadadaan sa happy ending.

"Uh, she? She's my new seatmate. Transferee." Sagot nya nang one time itanong ko kung sino yung babaeng laging nakabuntot sa kanya.

Ngayon ko lang ito nakita kaya nakakapag taka lang. Lagi ko kasing napapansin na kasama nya ang babaeng ito, kasama sa groupings, practice at kung ano ano pang activities na ginagawa nila. Minsan nga nakakasama rin ng loob yung mas nakakasama pa ni babae yung bf mo kesa sayo e.

Hindi rin ako natuwa nang may naririnig akong shiniship silang dalawa. Alam naman nila na may bf na yung tao, ishiship pa.

Napanguso ako "Ahh, saan daw galing na school?"

Tumigil sya sa pagsusulat at tumingin sakin "I don't know, I'm not interested" then he smiled.

"Ganon?"

"Why are you so curious about her?" Natatawang litanya nya pa.

Napakamot ako sa ulo "Wala naman"

Minsan nga e, magkapartner pa sila sa mga activities lagi. Nakakainis kasi feel na feel naman nung babae. Kitang kita ko rin kung paano mag ningning ang mata ng babae kapag kinakausap sya ni Eros.

"Ano?! Ang landi namn" kumento ni Dos nang ikwento ko sa kanila.

Napaubo si Ques dahil sa iniinom nyang apple juice "Transferee yun no? Ano pangalan Rey? Kaklase mo yun diba"

Lumingon ako kay Rey na tahimik na kumakain "Siraulo ka, may gf kana diba? Si Gia? Naknang! Susumbong kita" banta nito kay Ques.

Gulat naman kaming napalingon kay Ques, natigilan sya "Loko! Hahaha" awkward nyang tawa.

"Di nga?! May gf kana tol?" Eksrahederong tanong ni Jacob.

Magkakasama kaming lahat ngayon, maliban kay Eros, sya kasi ang President ng class nila kaya madami responsibilidad.

"Hahahahaha, a-ano, k-kasi ang ganda nya." Namumulang sagot ni Ques.

"Wait, kilala ko yan ah? Eh yan yung maldita sa class A e!" Gatong ni Austin, kaya natawa kaming lahat.

"Oo nga e, kaso tinamaan na ako" napapakamot nyang sagot.

Napahiyaw kami at kanya kanya ang naging reaksyon sa ibinulgar ni anteh Ques. Grabe grabe, sya talaga ang definition ng tahimik lang!

"Mga sira! Ano pangalan Rey nong transferee nyo?" Si Rey na ang tinanong ko.

Lumunok muna sya ng pagkain bago sumagot "Mira ang pangalan nya"

Mira. Pang inosenteng pangalan pero di bagay sa kanya. Nakakaimbyerna pala ano. Kapag talaga nalingilan ko yang babaeng yan, lagot yan sakin. Joki joki lang! Hindi naman ako ganon kasama, pero kapag sumobra na sya ay talaga naman.

"Pangalan pa lang, masiklab na. Hay! Sabihan mo yang si Eros na lumayo layo sa babaeng yan. Ay delikado talaga!" Si Dos.

Napabuntong hininga na lang ako. Napaka simple lang naman nito, pero pinalalaki ko sa isipan ko. Hayy! Hirap naman maging overthinker, simpleng bagay ipag ooverthink. Pero nakaka overthink naman talaga! Nakakaselos pa.

Paano ba sabihin kay Eros na nagseselos ako? In english, Jalosi.

Pero in the end, sinabihan ko pa rin si Eros na layuan ang babae. Mukhang wala naman talaga syang pake sa babae, ako lang talaga tong OA.

"Okayy, I will avoid her. Looks like my boyfriend is jealous" sagot nya at matinding nakangiti saakin.

Napaiwas naman ako ng tingin "Uy hindi ah"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now