Chapter 29

107 1 3
                                    

Chapter 29 (The Past pt. 3)

Back to 2020, Seven's point of view before the accident and before he  lost his memory.

Dumaan ang ilang araw bago ang PROM namin ay naging iba ang schedule time ni Eros. Mas lalo na syang naging busy, kasi bukod sa President sya ng class ay President din sya ng buong school. Mas lalong nadagdagan ang responsibilidad nya, lalo na't paparating na ang Prom. Sya daw ang nakaasang mag organize non.

Imbes na matuwa para sa date namin ni Eros sa Prom, nalulungkot naman ako.

Wala kasi syang time sakin. Malimit na din naming makasama mag hangout, magkakaibigan. Bukod pa don, mas madalas nyang makasama si Mira dahil yon daw ang ipinalit na Vice President ng buong school dahil umurong sa posisyon ang dating bise presidente.

Nakakapagtampo lang, nadagdagan na naman ang pagtatampo ko sa kanya. Feel ko tuloy ang usual face ko na ngayon ay nakanguso na.

"Tumigil kana nga sa pagnguso" suway ni Dos saakin.

Nandito na sya sa bahay namin para mag-ayos, mamayang gabi na kasi ang Prom namin. Oo, ambilis diba? Pero hindi ko naman mafeel yung excitement. Paano kung di matuloy yung date namin, dahil marami syang ginagawa? Nakakalungkot lang.

Parang ayaw ko na nga tumuloy e.

"Ang isipin mo, matutuloy yang date nyo. Ano ka ba namn! Think positive always" aniya at iniabot sakin ang susuotin kong damit.

"Dalii na, mag-ayos kana." dagdag nya pa.

Biglang pumasok si mama sa kwarto "Oh, nalinis ko na ang sapatos mo oh. Ang gandaaa. Parang ako pa ang naeexcite kaysa sa inyong dalawa"

Tumawa si Dos "Naku Tita, namimiss nyo po ba ang highschool era nyo?"

"Sobra, alam mo ba..." at ayan na nga, nagkwentuhan na silang dalawa.

Napabuntong hininga na lang akong pumuntang banyo para makaligo at magbihis na. Pagkatapos ay nag suklay ako at nag spray ng pabango. Halos iligo ko na nga yon dahil sa kalutangan. Ewan ko lang ha, pero pakiramdam ko iba ang awra ng araw ngayon.

"Shhh Seven, don't think any negative. Only positive lang huh?" Sambit ko sa sarili ay huminga ng malalim.

Pakiramdam ko kasi di kami makakapag sama ngayon ni Eros e. Bukod sa wala syang naging time these past few days, ay nagtatampo rin ako sa kanya, plus madami syang ginagawa. Hays! Ni hindi nya na nga mareplyan ang mga text messages ko e. Lagi ko syang tinatanong sa mga classmates nya, pati kay Rey na kaklase nya. Ang sagot nila sakin ay busy daw.

Huhuhu nakakalungkot naman, pakiramdam ko nawalan ako ng buhay.

"Nandyan na daw sina Ques sa labas. Dala ni Ques ang Van nya, let's go na!" Masayang yaya ni Dos.

Tumango na lang ako "Sige mauna kana sa labas, susunod na lang ako"

"Ayy! Wag kana kasi malungkot. Magiging okay rin ang lahat okayy?" Nakangiting sambit nya.

I smiled too, oo nga naman. Wala naman dapat ikalungkot. Overthinker lang talaga ako. That's my biggest problem e. Ang pag ooverthink, over little things lang naman. Sana ay may oras si Eros para saakin.

"Mama, aalis na po kami" pagpapaalam ko kay mama.

"Oh sya sigee, mag-iingat ha? Enjoy!"

"Opo!"

"Teka, may maghahatid ba sayo pauwi?" Tanong nya.

I nodded "Si Eros po" or baka hindi.

Pagkatapos ay sumakay na ko sa van ni Ques. Nandon silang lahat, maliban kay  Eros at Jacob. Ang gagwapo nila sa mga suot nila, muntikan ko pa ngang hindi makilala e. Tsaka muntikan ko na ring ma compliment sila, naku baka lumakas ang hangin dito at magyabang pa. Pareparehas lang naman kaming nakasuot ng tuxedo, ibat-iba nga lang ang style at design.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now