A/N: helloooo! mapapadalas na update ko hehez kasi bakasyon na namin, I've received my medal earlier and I want to celebrate it with you guys! ayan, napasulat tuloy ako. Anyways, enjoy reading!
Congratulations sa mga bebe ko na gumaraduate, with/high/highest honors, and all of us who passed the school year! Keep going my loves! I'm so proud of you.
Chapter 17 (Beginning)
"Hindi na ako nakakapag check ng phone e" I shrugged.
Ngumisi sya "3pm ang tapos ng klase namin, how about you?"
Inayos ko na ang papers na nagkalat sa table namin, mahigit tatlong oras na kaming gumagawa ng research. At sa hindi inaasahan, natapos namin ito. Kailangan na lang mag practice for defense.
"3pm din, same sched ata lahat" sagot ko, tumayo sya para tulungan akong magligpit. Itinago nya na rin ang laptop nya sa laptop bag.
"Hmm, should I tour you in my house?"
Namilog ang mata ko at kumislap iyon bigla "Talaga?! As in mamayang uwian? Wow! Oo naman sige" I exclaimed.
He chuckled a little at ginulo ang buhok ko "Okay, make sure hindi ka maglilikot doon?"
I nodded my head like a puppy, matapos magligpit ay sabay kaming lumabas ng library. Habang naglalakad kami sa hallway ay tirik na tirik ang araw, natatamaan nito ang balat ko kaya bahagya kong binilisan ang lakad. I don't know If nahalata yon ni Eros because he's freaking change his position at nagpunta sa kanan ko para sa kanya tumama ang init ng araw. Ngayon ay para akong nakapayong sa katawan niya, at sumasabay sa lakad ng anino niya.
I gulped when he stopped walking, may natatanaw siyang naglalako ng bulaklak sa may labasan ng school, at dahil lunch break na naman ay walang habas siyang lumabas ng school at nagtungo sa naglalako. Sunod sunod ang naging pag-lunok ko nang he bought a damn white roses,naka boquet pa iyon. Habang naglalakad sya patungo sakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko, nagwawala ito na animo'y alam na alam na para sakin ang bulaklak na iyon.
He was standing in front of me with a wide smile, nang i-abot nya sakin ang bulaklak ay ini-angat ko naman ang kamay ko para tanggapin, pero bigla nya itong itinaas.
"Ganda no?" Aniya na animo'y nang-aasar, nagets ko na agad kaya napasimangot ako.
"What?"
"Ganda kako nitong binili kong roses, Is it pretty If I decorate it on my dining table?"
Lalo akong napasimangot at napanguso "Akala ko ay sakin" bulong ko pero nakarating naman sa tenga nya.
He laughed "Really? You thought it was for you?"
Humaba lalo ang nguso ko "Aba, malay ko"
Humalakhak sya kaya wala akong nagawa kundi ang titigan na lamang ang aliw na aliw nyang mukha, ang mata nya ay puno ng saya, nawala bigla ang pagsibangot ko. This guy was really my type. Ilang times na akong nag dodoubt sa sarili ko. Ilang beses na rin akong binalak na i-uncrush sya sa katunayang hindi nya naman ako pinapansin noong grade 10 kami!
Paano ko nga ba sya naging crush?hmmm. Ah!
~~~~~~~~~~~
Back then, I was seating in a bench sa field ng school. I plucked some strands of my hair behind my ear nang dumapo sa balat ko ang malamig na hangin. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil sa nararamdamang kaba. I'm on my fourth year highschool now nang wala man lang naaalala for damn sake!
Bukod kina mama, tita ninang, moira, dos, ques, rey, at austin, wala na akong maalala. Sila lang talaga ang naalala ko, kaya't labis ang pagtataka ko noong pagmulat ko pa lang ng mata ay bumungad sakin ang puting kisame kasabay non ang ingay na nagmumula sa mga tao sa paligid. Iniikot ko non ang aking paningin para tingnan kung sino sino ang mga yon, bahagya pa akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko naman sila nakikilala. Doon ko napagtanto na nasa hospital ako, may benda ang ulo at limang araw tulog!
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
Fiksi PenggemarA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...