Chapter 2

297 6 0
                                    

Chapter 2 (Favor)


I can't breathe.

Bawat hakbang, sumasabay ang kalabog ng dibdib ko. Parang naiwan ang utak ko roon, at hindi mag function sa'kin kung bakit nangyari yun.

"Why are you talking to Treveour?" he asked na mas lalong nagpa tense sa'kin. Napepresure talaga ako sa bawat buka ng bibig nya at may nilalabas doon na salita.

Tumigil kami sa paglalakad at hinarap nya ako, he gave me a confuse look. I looked at him, medyo tumingala pa sa tangkad niya. He's in sunkissed. He was looking at me innocently, waiting for me to answer his question.

"I want to talk to you, I'm waiting here. But then I saw you with him."

A cold breeze embraced us, his fluffy hair are swaying nang dumaan ang hangin. I can also smell his manly scent that makes me freezed in a moment.

"Seven.."

Damn.

"H-ha?"

"Are you listening?"

Umayos ako ng tayo at napaiwas ng tingin, "Y-Yes, ano nga pala sabi mo?"

He chuckled "You're not listening"

><

"No, I am not. Nakalimutan ko lang talaga yung sinabi mo, pero nakikinig ako" sambit ko habang tinaas pa ang kamay as a sign of promise.

He sighed.

Inalala ko ang mga sinabi nya "Ahhhh, yung tanong mo ba na kung bakit ko kasama si Jacob?"

Tumingin lang sya sa'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Transferee sya, bago naming kaklase"

Biglang nag iba ang emosyon sa mukha nya, hindi ko maintindihan. Kaya nagsalita muli ako.

"A-Ano nga pala yung sasabihin mo sakin?"

"I'm here to asked you a favor. Please look at Treveour for me, alamin mo kung ano mga kilos nya sa room nyo. Report mo saakin lahat ng naoobserbahan mo sa kanya, about his family, friends, and especially to his enemies..." mahaba nyang sambit.

Kumunot ang noo ko "Para saan?"

"Nothing, just please do my favor"

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako. Nakampante naman siya at kinagat ang pang ibabang labi.

"And....." aniya

Nanatili akong nakikinig.

"Sana tayo lang ang makaalam nito, okay?"

"O-Okayy" I agreed.

Nakalipas ang ilang araw, palaisipan parin saakin ang sinabi ni Eros. I observed Jacob, without even telling my friends about this! Kahit si Dos na pinaka malapit saakin ay hindi ko man lang sinabihan. Pero hindi ko alam kung ano ang irereport sa lalaki, dahil hindi wala naman akong nakikitang kakaiba kay Jacob.

He just playful and cheerful. Always happy ig? Tawa kasi sya ng tawa sa'kin, happy pill ata ako.

Lunch break namin ngayon, niyaya ko si Rey at Dos. At dahil wala namang training ngayon si Ques, sumabay na rin saamin mag lunch. Panay pa rin ang tinginan sa'kin ng mga estudyante, especially girls. Napa irap na lamang ako, I don't care what they want to spread about saakin. Lalo na't may nakita na naman akong chismis na kumakalat sa twitter.

"Bro, sunod ang tingin sa'kin ng mga babae oh. Crush ata ako" natatawang sambit ni Rey kay Ques, sinamaan naman ito ng tingin nung isa.

"Si Seven ang tinitingnan nila!" Sabi naman ni Ques habang umiiling.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now