Chapter 5

203 5 0
                                    

Chapter 5 (See you when I see you)

Nagising ako sa ingay ng mga sasakyan sa labas. Sobrang ingay! Naligo na agad ako bandang 5:10am, at kumain naman nang 5:40am. Inayos ko ang extra shirt at water na dadalhin ko para sa practice ngayong araw. Today is saturday, I have no plans naman.

"Dos! Pahiram blower!" Sigaw ko sa labas ng pinto nya, nakailang sigaw at katok pa ako bago nya ko padabog na pinag buksan.

"Ano ba Seven, ang aga aga gaga ka talaga" pupungay pungay na ani niya, ngumiti ako dito nang malapad nang padabog nya ring ibinigay sakin ang blower nya. With sama ng tingin pa yon ah.

I prepared myself and spray some perfume, hinulog ko na rin iyon sa bag ko dahil alam kong mag aamoy usok na naman ako sa bus.

Pagdating ko sa stage namin, marami na nang nandodoon. Pero napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Jacob? What the hell is he doing here? He was wearing a candidate shash, I'm shocked. Lumapit ako sa kanya at kinalabit sya.

"Huy, isa kana rin sa candidates?" Bungad ko rito, tumingin sya sakin nang nakangiti at medyo napakamot ng ulo.

"Oo e, mayroon daw sakit si Kobe. Lumuhod lang saakin si Yvon, para ako ang pumalit sa partner mo" paliwanag nya.

Seriously?

Napangiwi na lamang ako, napakasakitin talaga ni Kobe. Sya ang itanalagang partner ko, eh nagkasakit naman. Ano pa nga ba, okay naman tong si Jacob. Kaya keri na.

Pang model ang aura nya, nandoon pa rin ang malalalim nyang mata. Pero sa lagay nya ngayon, mukhang okay na naman na sya. Pinanood ko lang syang makipag usap sa mga ibang contestant.
Sobrang makuryosidad talaga ako, nacucurious na naman ako sa kanya. Hindi ko man lang sya natanong kung bakit ganoon ang hitsura nya nong nakaraang araw. Mukha syang pagod.

Should I tell this kay Eros?

Gising na kaya sya? 7am na oh. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Maichat nga.

To Eros:

👍
luh na like
kuya sabi ko na like

From Eros:

Tf?
Where are you?

Napakagat ako sa pang ibabang labi nang mabilis nya itong nareplyan. Agad akong nag tipa ng reply.

To Eros:

Nasa practice ako today, for intrams xdxd T^T

From Eros:

As a contestant?

To Eros:

Yup. Nandito rin pala si Jacob, he looks okay na naman. Pero malalalim pa rin ang mga mata niya. Alam mo ba, nagkasakit yung partner ko kaya sya daw ang papalit. Gulat nga ako eh, pagpunta ko rito nakasuot na sya ng shash. HEHHEEHHEE. ^o^

From Eros:

I'll be there in 5 minutes.

Eh? Ano daw?

"Seven, Sorry. Hindi kita nainform na nabago ang partner mo--hays grabe kapagod" hingal na hingal na bungad ni Yvon, kaya napakunot ang noo ko.

"Saan ka galing?"

Huminga sya ng malalim "Sa section A, tatanungin ko sana si Celestia kung sino na ang final candidate nila dahil kinukuha na talaga. Pero mukang may problema" huminto sya at uminom ng tubig "Buti ako nakahanap agad ng pamalit sa partner mo, pero sila pahirapan sa pagpili ng itutuwang kay Ales!" dagdag nya pa.

"Ehhh? Nasan na si Fred? Diba yun yung partner ni Ales?"

"Biglaan daw ang flight nila sa Canada, eh nakaalis na" iiling iling na sambit nya. Tumikhim ako bago mag-isip kung sino ang pwedeng ituwang kay Ales.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now