Chapter 24

126 2 0
                                    

Chapter 24 (Baby)

"Baby daw" napasigaw ako sa kilig.

Taka naman tumingin sakin ang mga kaklase ko.

"Anong baby?" Ani ni Thea, nakakunot noo.

"Hala si Seven, nabaliw na. Huhuhu sabihin nyo to kay ma'am Viola! Siguradong malaking ebidensya to para mapatigil ang research defense! Huhu daliiii" tarantang gatong naman ni Rain.

"Guys, enough. Kinikilig lang yan si Seven, ang OA nyo agad." Natatawang saway ni Yvon.

Napailing na lamang ako sa kanila at hindi na lang pinansin.

"Si Eros?" Tanong ni Jacob pero nasa laptop ang tingin.

I nodded "Ye"

He suddenly shook his head and whispered "He should know his place"

Nang dumaan ang lunch break, sumabay ako kumain kina Dos. Nag kwentuhan lang kami at tawanan, shempre mayroon ding asaran kasama si Rey e.

"Nag practice na kayo sa defense?" Tanong ni Dos.

Ako ang unang tumanggi "Hindi pa, siguro mamayang gabi"

"Anong mamayang gabi Seven???" Sabay sabay nilang tanong, nagtataka.

Napaubo ako bigla "A-Ahh! Hahaha anooo, yang...." isip Seven! "Magpapractice ako sa bahay mamayang gabi, aaralin ko rin hehe"

"Ahhh" anila.

Pew! Muntik na ako ron.

"Ako naman hindi pa rin, tinatamaan ng saltik ang partner ko e" pigil tawang sabi ni Ques at humigop sa milktea nya.

Napangiwi naman si Rey "Naknang! Tinamaan ng lintik, nangingiti na!"

"Ay oh, ngangingiti nga. Delikado na!" Saad ni Dos.

Bumusangot lang si Ques sa pang-aasar ng dalawa "Magtigil nga kayo. Pag-uuntugin ko kayo e"

Tumawa na lang ako ng malakas habang tinitingnan sila. Tapos bumaling ako kay Rey na patuloy pa rin sa pang-aasar, I tapped him.

"Hoy, lakas mo ah. Kumusta kayo nong nililigawan mo?" I asked.

Parang nag-iba ang awra sa lamesa namin at tanging ihip ng hangin lang ang maririnig. Nakita ko ang pagyuko ni Rey hindi sumagot, nanahimik naman bigla si Ques at umiling iling.

Si Dos na ang sumagot para sakin "Wala, olats. Iba pala ang gusto e."

Naku! Sakit naman non. Hayy!

Napanguso si Rey "Naalala ko na naman! Ikaw kasi" aniya kay Dos, "Tara na lang uminom mamaya."

Binatukan sya ni Ques "Buang ka, hindi alak ang sulusyon dyan. Alam mo kung ano? Move on!" Nag cross arms pa sya "Pero sige tara, nakakastress talaga ang kapartner ko"

Napatawa ako "G ako! Isama natin si Austin"

Umapir naman si Dos sakin "Hmm! Tama!"

Natapos na ang klase namin sa buong maghapon na ang nasa isip ko lang ay ang hangouts namin mamaya. Nag discuss lang si ma'am Viola ng dagdag ideas sa research at strategy, wala naman na kaming klase. Siguro ay pupunta muna ako sa bahay ni Eros ngayon at pagsisilbihan sya, shempre work work work muna bago mag party.

Chinat ko sila Dos, Ques, at Rey gamit ang gc namin. Sinabi ko na may oras pa ako para mag practice kuno sa defense, kaya uuna na ako sa kanila. Paglabas ko naman ng gate ay natanaw ko si Eros, napangiti agad ako pero mabilis na naglaho iyon nang makita kong may kausap syang babae.

Kahit nakatalikod, kilalang kilala ko kung sino ito. Lumakad ako palapit sa kanila at pinaningkitan ng mata ang babae.

Eros smiled at me "Hi"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now