Chapter 23 (Dictate)
"Wag mo akong diktahan Borbon, di pa tayo tapos" Salubong na kilay na sabi ni Jacob kay Eros.
Umubo naman yung isa "I said it's over. I'm done playing."
"Anong over over? Sakin hindi! Tinanggal ng daddy mo ang shares nya sa kumpanya namin. Alam mo wala naman talaga akong pakialam e, kaso madaming sinasabi yung tatay ko. Dinadamay pa ko! Hindi lang yon ang ginawa ni Tito, pinutol na rin niya ang koneksyon nya kay papa! Pucha naman oh. Pati ako namomroblema" mahabang lintanya ni Jacob na ikinabigla ko.
Wow, bff pala ang daddy ni Eros at ang daddy ni Jacob. Pero bakit naman kaya nakipag F.O. (friendship over) tong daddy ni Eros??? hayy nakakacurious naman, nag eenjoy tuloy ako makinig sa chismisan nila.
"What do you think the game that I used to play with your family? Ang mali dito, ay ang daddy mo. Madaya sya, trinatraydor nya ang kumpanya lalo na si dad!"
"Bakit kailangan mo pa kong idamay sa laro mong yan?"
"Because akala ko alam mo ang ginagawa ng daddy mo samin. At akala ko ay kinukunsinti mo pa!"
"Tsk" singhal ni Jacob sa kanya "Kaya ba sinususpektiyahan at inoobserbahan mo ko nong unang pasok ko sa university?!"
Kumunot naman ang noo ni Eros "How did you know that?"
Ay ay! Alam ko yan alam ko yan! Hehehe ako kasi ang kinausap ni Eros dati na bantayan ko daw si Jacob at kung ano man ang ikilos o gawin ni Jacob ay sabihin ko sa kanya.
"Tignan mo! Inaamin mo na! Ngayon ko lang nalaman na wala kang tiwala sakin." Dissapointed na ani ni Jacob.
Napabuntong hininga na lang ako. Magkakilala pala sila at close pa ang mga magulang, talagang nagkagulo lang nang dahil sa pagtatraydor na naganap. Mabuti na lang at hindi namana ni Jacob ang ugali ng daddy nya, mabuti na lang at mabait sya. Sa kabilang dako naman, si Eros kamping kampi talaga sa daddy nya. Tipong sya na ang naging secret agent nito, talagang inoobserbahan nya si Jacob kung ano man ang kilos na gagawin nito sa kanila.
Pero bigo sya, dahil hindi naman kumikilos ng masama si Jacob sa pamilya niya.
After ng araw na iyon, inihatid ako ni Eros sa condo ko. Dalawang araw lang naman akong di umuwi pero pakiramdam ko ay madaming araw na ang nakalipas. Hayy, lunes na naman ngayon at pasukan na ulit. Research lang naman ang problema, dahil patapos na rin ang grading system meaning patapos na ang school year.
Hayy ayoko pa mag college T^T
Dala dala ko ang bag ko habang bihis na bihis nang uniform, 5am. Pupunta ako ngayon sa bahay ni Eros, parte ng trabaho ko ang gawan sya ng breakfast. Tapos mamayang lunch naman, sabay kami kakain ≧ω≦
Nag door bell muna ako ng ilang beses bago nya pa pinagbuksan. Pupungas pungas pa sya habang pinapapasok ako. Ang pogi nya talaga kahit bagong gising.
"Good Morning" nakangiting bati nya, I bit my lower lip to surpress a smile.
"Good Morning Sir, gagawan ko po kayo ng breakfast" I sounded like a professional yaya.
He chuckled "Okayy" parang bata na sambit niya at nahiga sa sofa.
Napatawa naman ako "Sir, malalate talaga kayo nyan kung hihilata pa po kayo."
He groaned "I don't want to go to school"
I stand beside the sofa "Pero Sir--"
Nabigla ako nang bigla nya kong hilahin palapit sa kanya, napaupo tuloy ako sa sofa katabi nya. Nakaupo na rin sya at nakatitig sakin.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...