Chapter 27

101 2 0
                                    


W/N: I just want to clarify this chapter and the next two chapters which also titled as "The Past". Eto pong chapter na to ang life ni Seven noong sya ay hindi pa naaaksidente and hindi pa nakaka amnesia. However, ipinalabas ang chapters na to dahil after nyang mahimatay is gigising na syang naaalala nya na ang lahat. And ito ang naaalala nya. Enjoy reading : )

PS: For clarification lang po ito hehe, sa mga naguguluhan. Lav yaa<333


Chapter 27 (The Past)

Back to 2020, Seven's life in his past

Nagising ako sa malakas na ugong ng mga sasakyan sa labas. Inaalimpungatan pa nang bumaba sa kwarto. Nakita ko si mama nag paplantsa ng uniform ko.

"Ma, good morning!!!" Malakas kong bati, napahawak sya sa kanyang tenga.

Napatawa naman ako.

"Late kana, kanina pa nag hihintay sa labas manliligaw mo" aniya.

Namilog ang mata ko at patakbong sinilip ang labas ng bahay, the hell. Nandoon na nga si Eros, nakasandal sa kotse ng daddy nya kasama ang driver nila. Dinaig ko pa si flash sa pag takbo papuntang banyo para maligo, binilisan ko na rin sa pagkain, at pag-aayos.

"Hayy naku si mama talaga, di ako ginising" bulong ko at isinakbit na ang bag, nag good bye kiss din ako kay mama.

"Mag-iingat ha, makikinig sa klase" paalala pa nito at hinatid ako kay Eros.

"Nak, ang aga aga mo naman sunduin itong baby ko" sabi ni mama kay Eros at may pagpisil pa sa pisngi ko.

I smiled at them, the way mama called Eros anak, will always be my favorite line of her.

"Good morning Tita" masayang bati naman ni Eros.

We bid our goodbye to her. Habang nasa kotse kami ni Eros ay panay ang daldalan namin sa kung ano anong bagay. Lalo na sa tungkol sa studies namin. Nakagawian na lang talaga na mag-reklamuhan kami tungkol sa mga school works. Shempre, nahahati ng oras ang bebe time. Char!

Manliligaw ko pa lang naman sya, pero kung mag turingan kami ay parang magkasintahan na. Ngunit, may araw talagang itinataya kong espesyal dahil noong araw na yun ay sinagot ko sya ng Oo . Muntik pa ngang mapa yes I do buti na lang magaling akong magpigil sa sarili.

"Kami na" announce ko sa mga kaibigan namin.

Oo may circle of friends kami, bale pito talaga kami sa grupo.

Ako (pinaka maganda), si Dos (ang aking kaaway/kababag lagi), si Ques (ang taga awat samin ni Dos, pero palagay ko si Dos talaga kinakampihan nya), si Rey (number one kong kasaksakan ng lapis nong kinder), si Austin na (mapera, taga libre samin) si Jacob (ubod ng kulit, kakampi lagi si Rey, parehas silang may saltik) at shempre last but not the least si Eros (ang aking honey bunch sugar plum, pumpkin, icing sa ilalim ng cupcake ko, bebeloves, at ang aking sexy sexy lovey dovey).

Oh diba, perfect circle of friends. Pare-parehas may mga topak, maliban sakin at kay Eros hehehe.

Matagal na kaming magkakaibigan, pamula noong kinder pa kami. Nakakasawa na nga mukha nila e. Hehehe.

"May date kayo bukas? Nubayan, may swimming tayo e." tanong ni Ques samin, isang araw.

Eros chuckled at him "Sorry bro, we're not joining. May plano kasi kami ni Seven this week."

Sumang-ayon ako "Yep yep yep, kaya kayo na lang"

Bumusangot si Rey "Ito pala ang disadvantage nang may magjowa sa circle of friends nyo no"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now